Chapter 22

72.3K 2.6K 1.5K
                                    

SHEVAYA

Finals na namin, dalawang araw din akong hindi nakapasok, at sa loob ng dalawang araw na iyon ay wala akong naging balita sa kung anong ganap sa L.I.S.

Hindi naman ako binabalitaan ni Rhoann, at pati na ni Miss Portia. Yep, you read it right. Si Miss Portia. Pumu-punta sa bahay.

Hiyang hiya pa nga akong patuluyin sya dahil sa liit ng bahay namin ni Lola. But she seem comfortable. Wala syang reklamo. Sa dalawang araw ko rito sa bahay ay parati syang sumasabay mag dinner sa'min.

Parati yang may dalang pag kain kapag pumupunta sa bahay, at hindi na mawala-wala ang oreo cake nya. Sabayan pa ng banana chip na mukhang kinareer na talaga nito.

"Aalis ka na?" tanong ni Lola ng makita ako nitong papalabas na ng bahay namin.

"Opo," lumapit ako rito upang mag mano. Pinag masdan ko ang lola, halata na ang katandaan dito at nanghihina na rin. Pero imbes kasi na mag pahinga na lang sa loob ng bahay ay mas gusto nya raw ang may ginagawa kasi hindi sanay ang katawan nya.

"Hindi ba at susunduin ka ng ma'am Portia mo?" Oo rin, mag kakilala na ang dalawa. Malamang. Kulang na nga lang ay gawin ng bagong apo ni Lola si Miss Portia.

"Baka hindi na po, anong oras na rin." tumingin ako labas. Masyado ng maliwanag, marami na ring taong balak na naman yatang tumambay mag hapon.

Napapa iling na lang ako sa tuwing naaalala ko ang mga tinginan nito pagkakita kay Miss Portia. Akala mo nakakita ng artista.

Mukha naman kasi talagang artista iyong isa, pero kasi. Yung tigtig ng mga tambay kay Ma'am, akala mo mga asong ulol eh.

Wala sana silang mahanap na pang inom ngayong araw. Mga gagong yun.

"Hindi, hintayin mo. Sabi nun sa'kin na huwag kang papaalisin hangga't wala sya."

"Lola---" aangal pa sana ako pero sinamaan na ako nito ng tingin. Walang nagawang tumayo na lang tuloy ako para hintayin si Ma'am. Wala pang limang minuto ay nakita ko na ang magarang sasakyan nito na papasok sa kalye namin.

"La, alis na po ako. Ayun na si ma'am." turo ko sa kotse nitong pinag titinginan na naman ng mga kapit bahay namin.

Tinakbo ko mula rito papunta sa kotse ni ma'am, hindi ko na rin hinayaang makalabas pa ito, kusa ko ng binuksan ang pinto sa tapat ng passenger seat saka pumasok.

"What the heck?" bungad nito sa'kin. Hindi pa kasi nahinto ng tuluyan ang kotse nya pero nasa loob na ako. "Can't you just wait until I arrive in front of your house, Shevaya?" kunot na kunot ang noo nito, masama rin ang tingin sa'kin.

Ngumiti naman ako habang inaayos ang seatbelt.

"Mali-late na po kasi tayo."

"I don't care!" singhal nya. "You're welcoming danger on your life, damn it. It's fucking dangerous. Don't you ever do that stun--"

"I trust you, ma'am." putol ko sa kung ano pang sasabihin nya. Saka hindi naman kasi mabilis ang takbo nya, at isa pa bakit hindi kasi naka lock ang pinto, diba?

Ilang segundo rin itong natulala bago paunti unting nilukob ng pulang likido ang maputi at makinis nitong mukha.

Ang ganda.

"Whatever. Just don't do that again."

"Hmm hmm." I agree while nodding my head.

Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon.

Parang ang saya...ko.

Masaya ako.

Pinigilan ko ang sarili na mangiti. Minsan lang ito, minsan lang.

Endless Love [ProfxStudent]Where stories live. Discover now