Chapter 17

74.3K 3.1K 2.9K
                                    

SHEVAYA

"Is she asleep?"

"Hindi," mahina kong sagot.

Hirap na hirap na ako sa posisyon naming dalawa. Ayaw kasing bumitaw sa'kin, nakasiksik lang sya sa may bandang leeg ko at nakikiliti na ako, sa totoo lang.

Ito pa naman ang unang beses na may lumapit sa'kin, o dumikit na ganito. Sobrang dikit, nakapulupot pa ang dalawang braso nya sa baywang ko.

Kulang na lang ay buhatin ko si Miss Salvidar, sobrang pahirapan pa ng lumabas kami ng Club. Tinulungan ako ni Rhoann'ng ipasok sa backseat si Miss, akala ko nga tulog na ito pero ng tatanggalin ko naman ang braso nyang nakakapit sa'kin ay mas lalo lang na  hihigpitan.

Wala tuloy kaming nagawa kung hindi ang hayaan na lang ito. Nag mukha tuloy naming driver si Rhoann.

"I'm not d-drunk," she keeps on murmuring that. As if naman na maniniwala ako. Baka nga ikahiya nya itong mga nangyari ngayong gabi kung maaalala nya man bukas.

Sana lang hindi sya atakihin ng sakit sa ulo, malalang hangover ito. Ano ba kasing pumasok sa kokote nya at nag iinom sya ng hanggang ganitong oras?

May problema ba sya?

Masyado ba syang na-stress kasi biglaan ang pag upo nya sa pwesto?

"Sa condo na lang din ako matutulog. Gusto mong makitulog?" basag ni Rhoann sa katahimikan.

"Hindi na, uuwi ako. Mag isa lang si lola."

Tiningnan ako nito gamit ang rear view mirror, "sinong mag aalaga jan?" tanong nya.

"Ikaw?" hindi ko siguradong sagot.

Agaran ang pag ngiwi ni Rhoann at parang kinikilabutan pang umiling iling.

"Ayoko nga. She's a devil in disguise, pass. Ayoko. No, no, no, and no. Final, period, I locked it and throw the key."

"OA mo." umayos ako ng upo para hindi tuluyang mangalay si ma'am, ng mai-park na ng maayos ni Rhoann ang sasakyan ay sya ang unang bumaba para alalayan si Miss Portia.

"In fairness, ang ganda pa rin. Pero mas maganda ako." mas maganda si ma'am. Gusto ko sanang sabihin pero wag na lang, baka iwan nya pa ako at mag isa kong alalayan si Miss Salvidar papunta sa unit nya.

Si Rhoann na rin ang nag pindot sa kung saang floor kami pupunta. Sobrang ingat kasi ako rito sa babaeng hawak ko, baka bigla na lang matumba tapos magka-sugat, edi kami pa nayari nito?

"It feels so illegal seeing her at this state."

Rhoann is right, parang ang illegal nga na makitang ganito si Miss Salvidar. Pano pa kaya kapag nalaman nitong katabi ko ang sinabi ni Miss noong nasa loob pa kami ng club. Baka isipin nya na ring nasasapian ang professor namin.

Feeling ko talaga may sapi ang isang ito. Noong isang araw pa kasi sya. Today for sure espirito ng alak ang nasa katawan nya. E' yung mga nakaraan? Anong klaseng espirito kaya iyon?

"Bitaw---" pasuray suray pa itong lumayo sa'min, sinamaan ko ng tingin si Rhoann ng tumawa lang ito. Ako naman ay todo alalay kay Miss Salvidar na sinusubukang mag lakad ng maayos.

Pero dahil nga sa lasing ay pasuray suray talaga sya kung mag lakad. Pilit nya pang idinidikit ang daliri sa maling pinto.

"Miss, this isn't your door." I said.

Umismid lang ito pero ipinag patuloy pa rin ang ginagawa.

"Ma'am." nauubusan ng pasensyang sambit ko.

"I k-knoww what I'm doinggg." pssh, ako na mismo ang humila sa kanya papunta sa tamang pinto.

Tapos ang sesti, sa pader na dinidikit ang daliri. Tawang tawa tuloy si Rhoann.

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon