Chapter 10

75.2K 2.8K 3.1K
                                    

SHEVAYA

"It's me, hi, I'm the problem, it's me."

Mula sa ginuguhit ay napaangat ako ng tingin sa babaeng katabi ko. Isang linggo na simula ng mag transfer sya sa'min, isang linggo ko na rin syang pinag tatyagaan. Mas lumala lang ang pagiging siraulo nya ng makilala si Aquilo na kasing ugali nya.

"What are you doing?" tanong ko ng makitang pa chill chill na lang ito habang nagdo doodle sa notebook nyang limang beses yatang mas mahal sa notebook na gamit ko.

"Nothing."

"Tapos ka na ba?" nangangalahati pa lang ako sa ginuguhit.

We were supposed to draw a thing or someone that inspired us to take architecture.

"Yeah," she proudly grin at ipinakita sa'kin ang gawa nya.

Kamuntikan na akong mapamura ng malakas ng makita ko kung ano ang nasa canvas nya.

Fuck.

Dismayadong tinitigan ko si Rhoann, napailing iling pa ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Dismayadong tinitigan ko si Rhoann, napailing iling pa ako. Wala na, wala ng pag asa ang isang ito.  Hinayaan ko na lang sya sa gustong nyang gawin. Tutal hindi naman ako ang malalagot.

Napangiwi ako ng biglang sumagi sa isip ko ang galit na mukha ni Miss Salvidar. Pero kahit na ganon ay ang ganda ganda pa rin nito.

Wala yatang araw na hindi maganda ang isang iyon.

I wonder what would she look like early in the morning?

Ipinilig ko ang ulo at muling itinuon ang atensyon sa ginagawa.

Last week ng tanggihan ko ang alok nitong trabaho, at last week rin ng bigla na lang akong tinanggal ng manager namin.

Nirason nya ay iyong nangyaring kapalpakan ko raw dahil nalaman ng may-ari. Wala akong nagawa kung hindi ang tanggapin na lang ang naging disisyon nila.

Ngayon nga ay mauubos na ang perang inipon ko, hindi ko naman alam kung saan ako hahanap. Lalo pa at may maintenance na si Lola.

"Hey, may nalimutan akong sabihin." nag 'hmm' lang ako bilang sagot sa sinabi nya.

Mahirap na lalo't nasa harapan pa rin namin si Sir, hinihintay ang activity namin.

"I asked Tita Ross if she could fire you sa restaura--" hindi pa sya natatapos ang sasabihin ay agad akong humarap sa banda nito.

"Ano?!" pabulong kong sigaw. "Nasisiraan ka na ba ng ulo—nevermind, pero bakit mo naman ginawa 'yun?"

Pangisi ngisi itong humalumbaba.

"May nalaman kasi ako," taas kilay nyang sabi.

Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang pagka kunsume sa kanya. "Ano naman?" gigil ko pa ring tanong.

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon