Chapter 34

76.8K 3.1K 1.8K
                                    

SHEVAYA

"What's wrong?" kanina pa lang pag labas sa building nila ay ang sama na nya kung makatingin. Naging maayos lang n'ong nasa harap kami ng puntod ni Lola. Tapos ng makalabas naman kami sa Cemetery, balik na naman sya sa tinging parang nanlilisik.

Hindi ko naman inaano.

Ang tahimik din nya. Simula ng makapunta ako sa office ng building nila.

Hindi kasi ako pinaakyat sa floor kung nasaan si Miss Portia, tapos n'ong tumawag naman yung receptionist, sinabihan ba naman ng 'stupid' ng paulit-ulit. Kawawa tuloy si Ate. Pati yung guard nadamay pa.

Hindi na lang nya ako pina-tuloy sa taas, nag hintay ako sa lobby. And because I got bored, nag lakas loob akong kausapin yung babaeng nag hihintay yata for her interview.

Sinubukan ko lang, since hindi ko naman nagagawa ang bagay na ito before.

And surprisingly, maayos ang pakikitungo nya sa'kin.

Natigil lang kami sa pag-uusap ng dumating si Miss Portia, na ang sama kung makatingin.

At gaya nga ng inaasahan, hindi pa rin nito pinansin ang naging tanong ko. Kahit paulit-ulit ko na yata syang tinanong, wala akong nakuhang matinong sagot.

"Kuya, sa bahay na." sinundo ko si Ma'am kasama ang driver namin. Plano ring kumuha ni Mommy Harriet ng driver para sa'kin, pero sabi ko mas okay sana kung ako na lang mismo ang matututong mag maneho.

Hindi gaya ngayon, ang awkward lambingin ng girlfriend ko dahil may driver kami.

Di bale, sa bahay na lang.

"Ma'am," mahina ko syang kinalabit pero malayo ang tingin, nasa labas. Akala mo nag bibilang ng mga taong nadadaanan namin. Buti sana kung bibigyan nya yan ng mga ayuda. Hindi naman.

"Hey." ulit ko, pero deadma pa rin. Wala, ayaw akong kausapin.

"Stop the car." bigla na lang nyang naibulalas. Nagka-tinginan kami ni Manong driver sa rear view mirror.

"Ha? Ma'am, uuwi na tayo." gulat kong saad.

"Just stop it." sumenyas akong itabi muna ni Manong ang kotse na mabuti na lang ay mabilis nyang naintindihan. "Get out." Hindi ko alam kung sinong pinapaalis nya.

Ako ba o si Manong driver? Saka, bakit naman ganito? Ngayon na nga lang kami nag kita matapos ang dalawang buwan, tapos badtrip pa sya.

"I said get out. I'll drive." sabay kaming lumabas ni Manong Driver. Tahimik lang naming pinapanuod sa kung anong gagawin nya si Miss Portia.

Lumabas ito sa backseat at lumipat sa driver's seat.

Nagpapasensyang ngumiti ako kay Manong. Kumuha ako ng tatlong libo sa wallet saka inabot sa kanya.

"Mag taxi ka na lang, Kuya. Pasensya na po, medyo mainit lang ang ulo--"

"Shevaya, what in the hell are you still doing there? Get the fuckin' in, stupid."

"Hindi na pala medyo, mainit pala talaga ang ulo. Sama na lang kaya ako sa inyong mag commute?" imbes na maawa ay tinawanan lang ako ni Kuyang Driver.

"Kaya nyo na po yan, ma'am. Salamat po rito.."sabay taas nung kamay na may hawak na pera. " Mauuna na po ako." yung tingin pa nya habang umaatras, parang nago-good luck e.

Napatalon ako sa gulat ng malakas na bumusina ang kotse kung nasaan ngayon ang girlfriend ko. Dali dali akong umikot para makapasok ng passenger seat.

Kusang kumurba ang ngiti sa labi ko ng makitang titig na titig sya sa'kin.

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon