Chapter 18

75.7K 3.5K 3.9K
                                    

SHEVAYA

"There they are."  turo ni Rhoann sa dalawa pa naming kaibigan na sina Sutara at Hilaga.

Ngayon na lang ulit kami nagkasama-sama.

"Hindi nyo kami binili ng makakain?" umupo si Rhoann sa kaharap na upuan ni Sutara, ako naman ay sa harapang upuan ni Hilaga umupo.

Lunch break ngayon. Ngayon na lang ulit ako nakakain na kasama sila dahil madalas akong utusang mag check ni Miss Salvidar.

Ngayon kasi ay nag mamadali itong lumabas ng classroom, may emergency meeting daw ulit. Some of the sponsors of this school were pulling out.

Nalaman ko kasi iyong fourth year na scholar rin ng L.I.S ay nawalan ng sponsor. Kinatatakot ko lang ay baka pati ang sponsor ko ay mawala. Malapit ng matapos ang second year. May ilang taon pa ako.

Sana naman ay mag stay sya sa L.I.S, babawi naman ako sa naging tulong nya kung sakaling palarin ako sa buhay.

"Anong nangyari sayo?" puna ko kay Aquilo dahil mukha syang binagsakan ng langit at lupa sa sobrang tamlay nya.

"Eh kasi--" biglang sumama ang tingin nito kay Rhoann na nakikuha ng pagkain nya. "That's mine." kahit nakagatan na iyong tortilla ay inagaw pa rin pabalik ni Aquilo mula kay Rhoann.

"Bumili ka na lang," sabi ko sa kanya. Para na rin ilibre nya ako.

"Fine." nag dadabog na tumungo itong counter.

"Oh? Ano nga?" muli kong hinarap si Aquilo na ngayon ay busy na ring lantakan iyong binawi nyang tortilla.

"Si Miss Salvidar kasi, nakita nya ako. Pinagalita ako kasi I'm not wearing my uniform properly daw---wait, what day today?"

"Tuesday?" tinaasan ako ng kilay ni Aquilo.

"Why are you wearing that?" tiningnan ko ang suot ko, isang plain beige shirt at jeans.

"Ano?"

"Hindi naman wash day ah, bakit ka naka civilian?" curios nyang tanong.

Muli kong naalala ang pag tatalo namin kanina ni Miss Portia, gusto kong umuwi dahil may oras pa naman ako at baka hindi talaga ako papasukin since sabi nga ni Aquilo ay hindi naman wash day.

Pero masyadong mapilit ang isang iyon kaya tuloy, pumasok akong ganito ang suot. Hindi naman kami hinarang ng guard kaya ayos na rin.

Nag kibit ako ng balikat.

"Swertehan lang." simple kong sagot dahil tanaw ko na rin si Rhoann na walang dalang pag kain pero nasa likod naman nito ang dalawang students na mukhang inutusan nya pang magbitbit ng tray.

Napapailing na lang talaga ako sa mga pinag gagawa nya sa buhay. Tapos hindi man lang nag thank you.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang tumahimik bigla.

Nakakapag takang bigla na lang silang nanahimik, inilibot ko ang tingin para hanapin ang dahilan ng pag tigil sa pag ingay ng mga students.

Every cafeteria have a reserve long table for those professors and staffs who wants to eat here. Kaya hindi nila kailangang makipag agawan ng table, at isa pa hindi naman kumukulang ang mga table sa cafeteria.

This is L.I.S, sa dami ng cafeteria rito, at sa sobrang laki, impossible na may mga students pang mawalan ng table.

Ako nga minsan lang makakain dito, ngayon lang simula ng maging kaibigan ko ang tatlong ito.

"Ganda talaga ni ma'am Amira." isang malakas na batok ang natanggap ni Aquilo kay Rhoann. Na patingin ako ng hindi sinasadya sa pisnge nitong namumula pa.

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon