Chapter 45

66.4K 2.7K 2.5K
                                    

SHEVAYA

I don't know what to say, nor on what to react. My body got completely, I think, paralyzed. Crappy cakes.

Talk, Shevaya. Talk.

Kusang bumaba si Paige sa'kin at patakbong lumapit sa...

"Mommy," mommy nya? "I asked her name, So she's not a stranger po." inosente akong itinuro ng bata bago naglalambing na yumakap sa legs ng...Mommy nya.

Tangina, Eris.

You didn't tell me.

Para akong tinusok ng libo libong karayom sa nalaman. Just the thought of her, getting married and having a kid to someone else, broke me. Literally.

"You look fine," malamig nitong saad. Pilit akong ngumiti kahit na ang lakas lakas pa rin ng tibok ng puso ko.

I shrugged my shoulders. Kahit sa totoo ay nanginginig na pati kalamnan ko sa sobrang kaba.

"I am, I guess.." hindi sigurado kong saad.

Parang kanina lang determinado akong kunin sya pabalik, pero ngayong nakita kong...may anak sya. Parang gusto ko na lang sumama kay Lola.

Relax, Aya. Mamaya ka na magdrama, if she had moved on, then show her that you've moved on too. Para hindi ka talo.

"That's good." I look at her, hindi ko magawang tumingin sa kanya kanina dahil para akong nanghihina, na hindi ko maipaliwanag.

She change a lot.

Mas lalo syang gumanda ngayon. Humaba na rin ang buhok nya at parang mas lalo lang syang sumexy. Amp, alagang alaga ba ng asawa?

"Paige, baby.." baling nya sa anak. Tumingala si Paige.

"Yes po?" hinila palayo ni Portia sa kanya ang anak, pinapanuod ko lang silang dalawa. Gusto kong umalis na ayaw. Gusto kong yakapin sya pero nag aalangan ako.

May bago na pala...

"Turn around, baby.." ginawa naman nito ang inutos ng ina. Tumalikod sa'min si Paige. "Close your eyes and cover your ears." nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

Anong balak nyang gawin?

W-wag nya talagang sabihin na ano..

W-wag.

Napakislot ako sa gulat ng humarap ito sa'kin, wala naman syang ginagawa pero ang tibok ng puso ko, hindi na mapakali. Ramdam na ramdam ko ang itim na aura'ng bumabalot kay Portia.

I was busy admiring her, reason why I did not see her hand ready to slap me.

Naramdaman ko na lang ang kirot matapos ako nitong sampalin. Sa sobrang lakas, feeling ko na dislocate pa yata yung bungo ko.

May kaunting dugo rin akong nalasahan.

"Welcome back." tiim baga nyang bati bago hinawakan sa kamay ang anak at hinila palayo.

"Mommy, I haven't thank her yet." dinig ko pang sabi ni Paige.

"I already did." gulat pa rin akong naiwang nakatayo sa kung saan nila ako iniwan.

Ang sakit ng panga ko.

Parang ang tagal nyang pinangarap na masampal ako? Ang lakas ah. Inis na bumalik ako sa sasakyan, at ang planong pag bisita sa Company ni Mommy Harriet ay kinalimutan ko na.

Umuwi akong may masakit, yung panga ko. Pwede rin yung puso ko.

Babatuhin ko talaga si Eris nito, ang lakas nyang makasabing walang iba si Portia, yun pala niloloko nya lang ako. Ano bang alam nya? Alam lang nya landiin si Mommy.

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon