Chapter 40

68.7K 2.3K 1.5K
                                    

3RD PERSON POINT OF VIEW

Gamit ang nanginginig na mga kamay ay binuksan ng babae ang pintuan, habang ang taong nasa likod nito ay pangiti-ngiti lang.

"Did you saw it? They both deserve it." hindi umimik ang naunang babae, natatagalan pa sya sa pag-pasok ng susi dahil sa kamay na nanginginig.

"Tingin mo ba mabubuhay pa sya?" tanong nya ng tuluyan ng mabuksan ang pinto.

"You think so? Deserve nyang mamatay, at deserve panuorin ni Salvidar ang pagkamatay ng pinakamamahal nyang estudyante."

"Stacy, isn't it too much? Baka napatay na talaga natin si Shevaya." tumawa lang si Stacy.

"Edi mabuti," nagpalinga linga sya sa loob ng bahay na ino-okopahan nila. Simula ng matanggal sa pwesto ang papa nya at malugi ang lahat nilang negosyo ay naglahong parang bula ang yamang tinatamasa nila. At lahat iyon ay kagagawan ng babaeng nagpatalsik sa kanila sa paaralang pinapasukan.

Ganoon din kay Lexie.

Kaya naman matagal nilang pinag-planuhan kung paanong gagantihan si Portia, at si Shevaya iyon.

It's a win-win, for them. Bukod sa magdurusa si Portia, mahihirapan din ang taong kinamumuhian nila.

"Bakit ang dilim?" tanong ni Lexie. May kakaiba rin syang nararamdaman.

Parang hindi lang silang dalawa ang tao sa loob ng bahay. Parang may kung sinong nakamasid sa kanila. At iyon din ang ipinagtataka nya. Sila lang ni Stacy ang nakaka-alam ng lugar na ito.

Hinawakan nya sa braso ang kasama.

"Stacy," kabadong tawag nito sa babae. Impossible'ng may mas nauna pa sa kanila ng kaibigan.

"What? After what we did? We need a freaking rest, Lexie." inis nitong singhal, saka hinawi nya ang kamay na nakahawak sa kanya.

Hindi na nagdalawang isip pa si Lexie, tinakbo nya ang switch ng ilaw saka ito binuksan. Rumagasa ang liwanag sa buong sala, kasabay nito ay ang paglukob ng kaba sa dibdib nya ng makitang may kasama nga sila.

Prente itong naka-upo sa pang isahang sofa, naka crossed legs pa at marahang tinatapik ang daliri sa arm rest. Mistula itong inip na inip.

Humikab ang babae.

"Took you this long, ha?" hindi kumibo ang dalawa. Gulat pa rin ang mababakas sa mga mukha nila.

"What the hell? Anong ginagawa mo rito?" si Stacy ang unang nakabawi sa gulat.

The woman's lips form into mischievous grin. Pero sa isip nya, iniisa isa nya na ang mga bagay na gagawin nya sa dalawa. Not an easy death, may be.

"Seeing your faces makes me wanna puke."

Nanggagalaiti sa galit na akmang susugod si Stacy pero nakakatatlong hakbang pa lang sya ng may tumamang kung ano sa pisnge nya. Daplis lang iyon pero ramdam nya ang hapdi at pag daloy ng dugo.

Si Lexie naman ay gulat na sinundan ng tingin ang bagay na iyon na tuluyang tumama sa pader.

Is that..?

a..

Knife?

Kaswal lang nitong itinapon ang kutsilyo sa parte ni Stacy. Hindi nya masiguro kung naswertehan lang na daplis ang nakuha ng kaibigan o sinadya ito ng babaeng kaharap nila.

"I should be minding my own business, but.." tumayo ang babae saka sila tiningnan ng masama.

Walang emosyon ang mababakas sa maganda nitong mukha.

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon