Chapter 26

70.5K 3K 1.3K
                                    

SHEVAYA

Tumayo itong masama pa rin ang tingin sa'kin.

Tumingin ako sa paligid ng bahay. Nasaan si Lola?

"She's now asleep, I ordered food for us." sambit nya na parang nababasa ang kung ano man ang iniisip ko. Mag kaharap na kaming dalawa ngayon. Pansin ko rin na nakabihis na ito, casual na lang. Pero ang ganda ganda pa rin.

Ang expensive pag masdan.

"Ikaw? Bakit ka pala nandito, ma'am? Kumain ka na ba?"  sunod sunod kong tanong. Ibinaba ko ang hawak na paper bag sa lamesang napagigitnaan naming dalawa.

Sinundan nya pa rin iyon ng masamang tingin, na animo'y may ginawang kung ano ito sa kanya. E' wala naman.

"Not yet." she answered, nonchalantly.

"Bakit nga po pala wala sa labas yung kotse nyo? Anong sasakyan nyo pauwi?" kaya nga nagulat akong nandito sya dahil wala namang naka park na kotse sa labas ng bahay.

Wala ang madalas na sasakyang dinadala nya.

Tumungo akong kusina, may dalawang paper bag pa roon na may tatak ng mamahaling restaurant. Halatang hindi pa nagagalaw.

"I will sleep here," nahinto ako sa akmang pag kukuha ng plato saka marahas na hinarap si Miss Salvidar na malamig pa ring nakatitig sa'kin.

Her jaw clenched.

"I'll sleep here." ulit nya.

"Ma'am?" tanong ko, inaabangang mag sabi sya na nag bibiro lang sya. Dalawang kwarto lang mayroon ang bahay namin. Edi saan sya matutulog nyan?

Hindi rin sya pwede sa sala. Ano? Ako ang sa sala matutulog? Jusko. Masyadong maiksi ang upuan namin para sa'kin.

"Nag bibiro ka lang, hindi ba?" kampante kong tanong.

Pero sa loob loob ko ay kinakabahan na ako. Hindi kasi halata sa itsura nya na nag bibiro lang sya. Mukhang nag sasabi talaga sya ng totoo.

Inayos ko ang isang plato sa lamesa, kumunot naman ang noo ko ng kumuha sya ng isa pa kaya napa gilid tuloy ako.

Hindi ako komportable kapag sobrang lapit naming dalawa. Napansin nya siguro ang pag iwas ko kaya naman tumingin sya sa banda ko, naka taas ang isang kilay.

Inilapag nya sa tapat ko ang plate na kinuha saka isa isang nilabas ang nasa loob ng paper bag.

Pinigilan ko si Miss Salvidar sa ginagawa.

"Kumain na po ako, ikaw na lang. Maupo ka na, Ma'am." tinitigan nya ako ng matagal, at imbes na maupo na lang gaya ng sinabi ko ay inirapan nya lang ako saka tinalikuran.

"I lost my appetite." hinabol ko sya, hinawakan sa braso at pinaharap sa'kin.

"Hindi ka pa kumakain." inis nyang inalis ang kamay kong naka hawak sa braso nya.

"Nawalan na nga ako ng gana." matigas ang accent nito, parang gigil pa nga habang nag sasalita. Pero hindi uubra sa'kin ang kamalditahan nya ngayong gabi.

Hindi pa nga sya kumakain.

"Kapag hindi ka kumain, ma'am. Pauuwiin kita." tila sya mas lalo lang na nang gigil sa sinabi ko. She put her arms above her chest and look right through me.

"Are you threatening me, Calderon?" umiling iling ako.

"No, sinasabi ko lang na kung hindi ka kakain ngayong gabi, mas mabuting umuwi ka na lang sa condo mo. Doon ka kumain at doon ka matulog." maayos kong nairaos ang mga salitang yun, pero sa loob loob ko ay sobra na akong kinakabahan.

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon