Chapter 23

74.9K 3.3K 3.7K
                                    

SHEVAY

"Tapusin mo yan." utos ko kay Rhoann ng makitang aabutin na naman nya ang phone nya.

"Can't you give me a break, Eva? I'm so tired." nasa condo nya kami ngayon, achievement daw na hindi sya naki kick out sa L.I.S kaya hinayaan na ulit syang tumira ng mag isa sa condo unit nya.

Hindi ko alam ang buong pangyayari pero ang alam ko lang ay nag aral ito sa London, at sa pilipinas piniling mag college. Nag simulang maging siraulo kaya halos malibot na ang lahat ng universities dito sa city.

"Bukas na ang finals natin. There's no such thing as break, Rho. O baka gusto mong bumagsak?" buti sya walang grade na inaalagaan. Ako kasi mayron.

Itinuon ko ang atensyon sa ginagawa ng makitang nag simula na ulit itong mag review ng notes na binigay ko. I'm so focused on reading my notes when suddenly, her beautiful yet pleading face come across my mind.

How?

Kainis.

I mentally shook my head and tried my best to focus. Pero hindi ko na magawa.

Gusto ko na lang na lubayan ako ni ma'am.

Halos isang linggo ko na rin itong iniiwasan. Mas nadagdagan lang ang inis ko ng malamang na-ospital pala ang tatay ni Lexie. Inatake raw sa puso dahil sa sama ng loob sa nangyari sa negosyo ng mga ito.

They don't deserve that kind of wrath from her.

Sure, halos dalawang taon akong nag hirap sa pang bu-bully nila, pero sobra sobra na iyong ibinalik ni Miss Portia.

To think na ako ang biktima, pero sya pa talaga ang gumanti para sa'kin. Alam ko naman na gusto nya lang na mag tanda ang mga yun, pero hindi ba at sobra sobra na?

Sobra yung ginawa nya.

"Parang gusto ko ng kape." hindi pa nga nangangalahating oras ay tumayo na naman si Rhoann. "Tara sa baba." gabi na, at dito ko balak na matulog. Nag paalam naman ako kay Lola at pinayagan ako.

Kung pwede lang talagang patulugin sa bahay itong si Rhoann edi sana doon na lang kami nag study, diba.

"Mag timpla ka na lang." kinuha ko ang pen nyang ninakaw pa raw nya sa Momma Keres nya saka nag simulang isulat sa papel ang mga natatandaan kong topic.

"Sa Cafe sa baba. Mayroon, halika na."

"Rhoann," inagaw ko mula rito ang notes kong kinuha nya, pero dahil magkasing tangkad lang kaming dalawa ay nagagawa nyang ilayo ito sa'kin.

"Rho." mariin kong tawag sa pangalan nya.

"Lets go na kasi. Libre ko." napipilitang tumayo tuloy ako.

"Mauna ka ng lumabas. Hintayin mo na lang ako sa baba." Sabi ko. Inabot ko ang bag na dala at pumunta sa kwartong itinuro nyang tutulugan ko. Hinanap ko yung jacket na pinadala ni Lola. Ayokong mag suot lang ng t-shirt. Saka nag palit na rin ako ng jogging pants para mas komportable.

Pag labas ko ng kwarto ay wala na si Rhoann, mukhang seryoso nga syang gusto nyang mag kape sa baba. Walang nagawang lumabas ako ng unit. Kasabay noon ay ang pagbubukas ng unit ni Miss Salvidar.

Nagka tingin kaming dalawa.

Ako ang unang nag iwas ng tingin saka nag lakad na parang walang nakikita.

"A-aya," tuloy lang akong nag lakad papuntang elevator. Wala akong balak na pansinin si Miss Portia. Alam kong professor pa rin naman namin sya pero sana ma realize nya yung mali nya. At sana maisip nya rin kung bakit ko ito ginagawa.

Endless Love [ProfxStudent]Where stories live. Discover now