Chapter 8

66.6K 2.8K 3.1K
                                    

SHEVAYA

"Calderon," ako ang pinaka huling lumabas, ay hindi pala dahil nag paiwan din si Rhoann na sa kamalas-malasan ay ka-klase ko pa sa lahat ng subjects.

"Hey, Eva. I'll wait for you outside, kay?" wala akong ibang choice kung hindi ang paki samahan ito dahil sa daldal nya, hindi nya raw ako titigilang kausapin kahit pa pareho na kaming mapagalitan.

Kaya ang ginawa ko ay tinanggap ko na lang ang pakikipag kaibigan nya.

Nagiging lapitin na ako ng mga tao, lately. Hindi na maganda 'to.

"Miss?" I can't look at her.

Naaalala ko lang yung nangyari kaninang madaling araw, yung pakiramdam na mahigpit ako nitong yakap na animo' y ayaw ng bumitaw pa.

Nang hindi sumagot ay nag lakas loob na akong tingnan si Miss Salvidar, only to see her sending death glare to Rhoann.

Iyong isa naman ay walang kaalam alam na nanunuod ng tiktok videos sa phone nya. How did I know? Ang lakas ng volume e.

"New found friend?" malamig nyang tanong.

Umiling ako pero tumango lang rin kaagad.

Umigting ang panga nito, "anyway, Eris--" she cleared her throat. "Told me that you called her using my phone. And I--," para pa syang hirap na hirap sa dapat sabihin.

Humigpit ang kapit ko sa drafting materials na hawak. Alam ko naman kung anong gusto nyang sabihin, but since she's the great Professor Portia Amor Salvidar, she's having a hard time saying that magic word.

Sige, ako na maga adjust, Miss.

"You're welcome po." her mouth slightly open, and heck that I'd admit that she's cute.

Nagpapaunawang ngumiti ako rito saka sya tinalikuran para puntahan si Rhoann na mukhang nagi enjoy na sa panunuod ng tiktok.

"Kain tayo sa labas." aya agad nito ng maka lapit ako sa kanya. Gumilid rin kami para bigyang daan si Miss Salvidar na mukhang badtrip.

Ako ba ang may gawa non?

Hindi sinasadyang nasagi pa ako nito.

"You okay?" Rhoann ask.

Tumango ako at inayos ang pagkaka sukbit ng bag sa balikat.

"Ikaw na lang, may pupuntahan ako." tanggi ko.

"My treat." pag pupumilit nya pa.

"Hindi na, salamat na lan--- ano ba," singhal ko. Dahil halos magkasing tangkad lang kami ay walang kahirap hirap nya akong nakaladlad papunta sa parking lot.

"Get in."

"Ayoko." aalis na sana ako pero muli nyang pinigilan.

"Bilis na kasi, hindi naman kita pag babayarin. It's on me."

"Ayoko nga." muli kong tanggi.

Kung gusto nyang maging magkaibigan kami, edi sige. Pero hanggang classroom lang.

"C'mon, I need to buy rin ng mga materials since kulang kulang ako."

"Buti alam mo." bulong ko.

Likas na may saltik kasi talaga yata ang babaeng ito e. Nai-kwento nya pa na wala sa plano ng mga magulang nyang pag-aralin sya sa L.I.S pero dahil hindi na sya mapigilan sa mga kalokohan nyang ginagawa sa S.G.U ay napilitan ang mommy nyang ilipat sya.

Proud pa yan sa mga kagagahan.

"What?"  nag tataka yata sya sa kung anong sinabi ko.

"Wala, kako tara na. Siguraduhin mo lang na hindi ako gagastos." dapat lang talaga na wala akong gastos, bukod sa wala na akong pera, wala pa akong pera.

Endless Love [ProfxStudent]Där berättelser lever. Upptäck nu