Chapter 7

67.3K 2.7K 2.1K
                                    

SHEVAYA

"Ayos ka lang daw ba, Shevaya?" tanong ng katrabaho ko.

Alas nuebe na ng gabi at may pasok pa ako bukas. Katatapos lang kasi ng pre-finals namin na talaga namang nakamamatay ang mga tanungan, kaya rin siguro mukha akong lantang gulay habang nagta-trabaho.

"Oo," tumango rin ako.

"Sigurado ka? Nag aalala si manager. Baka raw kasi pumalpak ka, darating pa naman yung may ari nitong restaurant. Kaya mo ba talaga?" mahabang sabi ni Cristy, ang katrabaho ko.

Muli akong tumango.

"Oo nga," nakatayo lang ako sa gilid, hinihintay na matapos kumain ang nasa table na binabantayan ko. May kanya kanyang table kasing naka assign sa'min.

Hindi rin basta basta itong napasukan kong restaurant, muntik pa nga akong hindi matanggap.

Hilo man ay nagawa ko pa ring mag focus sa ginagawa. Malapit ng matapos ang shift ko. Huling table na lang ang aasikasuhin ko, bitbit ang pang huling order ng nasa table na naka assign sa'kin ay banayad ko itong tinungo.

Malapit na ako ng biglang tumayo iyong babaeng kadarating lang sa katabing table ng pag-serve-an ko, hindi sinasadyang nasagi nito ang tray na hawak dahilan para tumapon ito sa suot kong uniform.

"Hala, forda garapal ang ferson." napapalatak na napatingin ako sa babaeng sumagi sa'kin.

Matangkad sya, mag kasing tangkad lang kami. Maangas syang manamit at maganda rin nya.

"S-sorry, hindi ko sinasady--" paumanhin nya.

"Kaliya." putol ng babaeng kaharap nito. Muntik na akong mawalan ng balanse dahil pag tingin ko sa kanya ay nakatingin din pala ito sa'kin, ang lamig.

Isa isang nagsidatingan ang mga katrabaho ko, pang huli ay ang manager kong halos hindi na maipinta ang mukha.

"Ma'am, I'm very sorry po." bungad ng manager namin na sobrang sama na ng tingin sa'kin.

Ako naman ay para ng napako sa kinatatayuan habang pinag mamasdan ang mga katrabaho kong isa isang pinipulot ang mga nabasag kong pinggan.

"No, it's alright. It was my daughters fault, after all." lihim akong napasinghap dahil sa narinig.

Mag-ina sila? Gagi, akala ko magkapatid dahil magkamukhang magkamukha ang dalawa at ang bata pang tingnan noong isa.

Muling humingi ng paumanhin ang manager namin, sinisiko pa nya ako ni Cristy pero ni hindi ko man lang magawang umayos para humingi ng dispensa.

Nag iwan lang ng maraming one thousands peso bill iyong magandang babaeng may berde'ng mga mata.

"Kaliya, let's go." aya nito sa anak nya.

"But momma, mommy will going to kill me."

"So do I."

Nang tuluyan ng maka-alis ang dalawa ay galit akong hinarap ng manager namin. Bumalik na naman tuloy ang kabang kanina lang ay nararamdaman ko.

"Follow me, Shevaya." mayriin nitong sambit.

Nagkatinginan kami ng ilan kong kasamahan, sumenyas silang sumunod na lang ako kaya kahit nanginginig man ay nagawa ko pa ring ihakbang ang mga paa.

Kumatok ako ng isang beses sa pinto ng opisina nito at saka tuluyang pumasok.

"M-ma'am," banayad kong sambit.

Frustrated itong napatingin sa'kin, masyado syang mababa kaya nakatingala ito ng bahagya.

"Pasalamat ka at hindi mainit ang ulo ni Miss Vargaz. Regular customer pa naman na'tin 'yun. Ayaw ko ng maulit ulit ito, Aya. Nag kakaintindihan ba tayo?" sunod sunod akong tumango bilang pag sagot sa sinabi.

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon