Chapter 28

72.7K 2.7K 2.2K
                                    

SHEVAYA

Hindi ako mapakali habang pinanunuod ang mga taong walang ibang ginawa kung hindi ay ang makipag-usap sa kapwa nila bisita.

Kanina pa umalis si Rhoann, kaya naiwan akong mag-isa.

Nakatanaw lang ako ngayon kay Miss Salvidar na may kausap na lalaki. Base sa itsura nito ay wala itong kainte-interest man lang sa kung anong sinasabi ng kausap. Baka nga anytime ay humikab na yan jan.

But that's impossible, that gesture is too unlady like for them.

Tumingin ito sa gawi ko, at ng mag tama ang mga tingin naming dalawa ay bigla nya na lang akong inirapan. She said something to the guy and the guy immediately stop talking.

Hinayang ang mababakas sa mukha nito ng tumayo si Miss Salvidar para lumapit sa'kin.

Hala, teka---sa'kin?

Bakit sa'kin?

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Nasaan na ba si Rhoann? Pwede ko ba syang puntahan? Malilintikan ako rito sa babaeng papalapit sa'kin e.

Napa sign of the cross na lang ako sa isip ng tuluyan na itong maka-lapit sa'kin.

Lord, please. Save me form my death. Marami pa akong pangarap sa buhay.

"You look bored." malamig nyang turan. Umupo sa upuan kung saan naupo si Rhoann kanina.

Pinasadahan ng magagandang daliri nya ang table saka malamig pa ring tumitig sa'kin. Matagal syang tumingin sa mukha ko, hindi ko naman malaman kung anong dapat kong gawin. Naiilang ako na parang hindi.

"You look...different," she whisper. Enough for me to read the movement of her mouth.

Pinamulahan ako ng mukha.

Sya nga itong sobrang ganda.

Gusto ko sanang sabihin, pero alam ko namang alam nya na 'yun. Bukod sa kapatid ni Rhoann na si Rhiann, ay sya rin halos ang sinusundan ng tingin ng mga tao.

Pero walang makaka-talo kay Rhiann, mula sa pag labas nito hanggang sa pag tayo sa unahan. May iilan pa ngang napapatulala sa ganda nito.

It's the first time that she let people see how alluring she is. Madalas daw kasing nagsusuot ito ng itim na buhok to hide her ginger hair. Dahil hindi normal sa bansa namin ang may ganoong buhok. At madalas itong mag suot ng contact lense to hide the real color of her eyes, which is Blue and Green.

"Eyes on me, Calderon." matigas na utos ng katabi ko. Hindi ko naman alam na si Rhiann na pala ang tinitingnan ko. "For God's sake, don't tell me you have a crush on her. She's just sixteen." bawat salita nito ay may diin na ikinangiwi ko.

Tumingin lang, may crush na?

Sya kaya ang crush ko.

"Ang ganda nya, ma'am." napa aray ako ng tampalin ako nito sa hita.

"You dare to give her compliment, how about me naman?" masama ang tingin nito sa'kin.

"Syempre, maganda ka rin. Pero mas maganda---ka. Sa lahat." pag-iiba ko ng dapat na sasabihin. Kita ko kasi yung kamay nya, handa ng manapak ulit.

Buti sana kung hindi masakit. E' ang sakit sakit kaya.

Nananakit na sya. Hindi pa naman kami.

Paano na lang kapag kami na? Kawawa ako? Yawang pago-overthink ito, kung saan saan na napupunta.

"Of course, I need to look beautiful because you're--" ako na mismo ang kusang tumapos sa sasabihin nya.

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon