Chapter 48

91.1K 2.4K 3.7K
                                    

SHEVAYA

"Ikaw na naman?" inis na bungad ng guard sa'kin.

"Papasukin mo na kasi ako, Kuyang guard. I need to talk to Portia."

Kagabi, gumising lang pala si Paige dahil nagugutom sya, matapos mapakain ni Portia ay umakyat na sila ulit sa kwarto ko. I was hoping, like, 100% sure that she'll stay so we could talk. Pero ang siste, tinulugan lang ako.

Ako na halos hindi na makatulog sa kakaisip ng nangyari-muntik ng mangyari sa'min, tapos sya ang himbing ng tulog habang kayakap si Paige.

Kulang na lang buhatin ko palayo sa kanya si Paige tapos ako papalit eh.

At dahil late na akong nakatulog kagabi, late na rin akong nagising. Pag gising ko, ako na lang ang mag-isa. Ang bait talaga ng magkapatid na 'yun.

That's why I'm here, sa building na pag-aari ni Portia para kausapin sya, tapos itong guard na naman, hinarangan ako.

"Miss, kami ang mawawalan ng trabaho dahil sa ginagawa mo. Wag ka na kasing makulit." wala akong number ni Portia kaya hindi ko sya matawagan, sinubukan ko namang tawagan si Eris, si mommy naman ang sumagot. Hihingin ko sana ang number ni Portia.

I tried to contact her via Instagram, pero hindi ako sinasagot.

"Kuya, I know your boss, okay? I assure you, hindi kayo mawawalan ng work." bumuntong hininga iyong guard. Halatang naiinis na rin sya dahil sa kakulitan ko.

Tumingin ako sa loob ng building, maraming nag hihintay sa tapat ng elevator.

"Miss, ginagawa lang namin ang trabaho namin. Sige na, wag ka na dito." I step back. Para ipakita sa kaninang hindi na ako mamimilit pa sa pagpasok.

Ng makitang kampante na sila, at saktong pag bukas ng elevator ay dali dali kong tinakbo papasok.

Malayo yung entrance sa kung nasaan ang elevator pero binilisan ko lang ang takbo.

"Hoy!" sigaw n'ong guard na nakapansin sa'kin. Pero malayo pa sila ng tuluyan na akong makapasok at maisara ang pinto.

"I'm sorry, I forgot my ID and they wouldn't let me in." paliwanag ko dahil iba kung makatingin ang mga taong kasabayan ko sa elevator.

Hindi ko alam kung anong floor ang office ni Portia kaya iyong pinaka top floor na ang pinindot ko.

The things we do for love, damn it.

Nagmukha akong criminal kanina.

The elevator open, and without further ado, I stormed at her office. Nadia didn't noticed me, she's busy writing something on her table.

At mabuti na lang din ay hindi naka lock ang pintuan nito.

Walang katok katok akong pumasok.

"Nadia, didn't I-Shevaya?" parehong gulat ang dalawang taong nadatnan ko sa loob ng office.

It's Portia, with a dickhead.

Ang sakit sa mata.

Ang kaninang gulat na expression nito ay napalitan ng galit, padabog syang tumayo saka galit na itinuro ang pinto kung saan ako pumasok.

"Get out." her stern voice echoed. Halatang natakot ang lalaki dahil napaayos ito ng upo, iginalaw din nito ang necktie na parang inaayos kahit maayos naman na.

"I need to talk to you." rason ko.

"Can't you see that I'm busy?" tiningnan pa nito ang lalaking kausap. "Out, now." matagal kong tiningnan si Portia. "And don't think about on getting my sister, again, Shevaya. Now, leave."

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon