Chapter 39

74.5K 2.4K 903
                                    

SHEVAYA

"Mommy."

Tiningnan ko kung anong oras na. Walang nagawang naupo ako sa couch saka hinintay ang nanay ko.

Late na ako sa usapan namin ni Portia. Ako pa naman ang nag aya sa kanya, since sunday din naman at mukhang kailangan nya ng pahinga.

Galing ako sa puntod ni Lola, na miss ko lang ulit syang dalawin. Pero papunta pa lang ako ay may napapansin na akong isang BMW na sumusunod sa'kin.

Akala ko same place lang kami ng pupuntahan, kasi ng huminto ako para bumili ng bulaklak ay huminto rin ito, hindi naman lumabas ang nagmamaneho.

After n'on ay dumaan ako sa cafe kung saan kami nag usap ni Mommy Harriet before. Hindi naman ako nagtagal sa loob dahil bumili lang naman ako ng oreo cake. Paglabas ko ay naka park din ang sasakyan nya malayo sa sasakyan ko.

Ang mas nakadagdag sa pangamba ko ay ang makita ito ng papauwi na ako. Kaya instead na tumuloy ako sa Condo unit ni Portia ay umuwi na lang ako.

Kinalikot ko ang cellphone para hanapin ang nag text sa'kin noong nakaraang araw.

I have a hunch that the sender could be either Lexie or Stacy. Alin man sa dalawa.

Simula ng umalis silang L.I.S ay wala na akong balita sa kanila. Dahil may sarili rin naman akong buhay na dapat isipin.

Lalo na ngayon, gusto ko sanang lumabas na lang ulit pero natatakot ako na baka nasa labas pa ng subdivision iyong BMW na panay ang sunod sa'kin.

"Oh? I thought you went to Portia's Condo? Why are you here?" tumayo ako para lapitan si Mommy Harriet.

Ilang araw na rin silang parating busy nina Tita Keres. Hindi na ako nag tanong pa kung anong problema nila dahil mukhang kaya naman na nila iyong resulbahan.

"My, kasi kanina. Pumunta akong cemetery." matyaga itong nag hihintay sa sunod ko pang sasabihin. Hindi na nga namin nagawang maupo man lang dahil obviously, papaalis ang nanay ko. "Tapos I saw this BMW--"

"Hold on, honey." itinaas nya ang kamay para patigilin ako sa pagsasalita. Mabibilis ang bawat galaw na inilabas nya ang phone sa bag at sinagot ang tumatawag.

Base sa tono ng boses at expression nya rin ay mukhang hindi maganda ang natanggap nitong balita.

"I'm sorry, hon. Can we talk some other time? I need to hurry." tumango ako. "And oh, if you saw or if Rhoann contact you, tell your Tita Keres 'kay? Your cousin has been a pain on her Mothers Ass. Sira ang mga ulo." she kissed my cheek and left me.

Nag kibit ako ng balikat saka bumalik ng sala at naupo sa sofa.

Bahala na nga.

I need to hurry.

Baka pagalitan pa ako ni Ma'am kapag mas nagtagal pa ako dito sa bahay namin, sala sa lamig, sala sa init pa naman ang mood nya.

Ayaw ko namang maging foul ang mood ng isang iyon. Ngayon na nga lang matutuloy ang date naming dalawa e.

Pinaglaruan ko ang susi sa kanang kamay, isinilid ko rin sa bulsa ng suot na wide leg pants ang kaliwang kamay bago tinungo ang parte kung saan ko iniwan ang kotse ko.

Saktong kalalabas lang din ng kotse'ng ginamit ni Mommy Harriet kaya sumunod na rin ako.

At hindi nga ako nagkamali. Ng makalabas ako sa main gate ay sya namang sulpot ng BMW. I tried to calm, pero sa loob loob ko ay kinakabahan na ako.

Inabot ko ang cellphone. Kahit gustuhin ko mang mag-text ay hindi ko magawa. Hindi ko pa masyadong gamay ang pagmamaneho kaya rin ingat na ingat ako.

Ipinatong ko sa dashboard ang phone ng mai-dial ang number ni Portia.

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon