Chapter 19

72.2K 2.6K 1K
                                    

SHEVAYA

"Where the hell are you going?" huminga ako ng malalim at nag dasal ng mas mahaba pang pasensya.

Dahan dahan ko itong hinarap saka nginitian, o baka nga ngiwi na.

"Uuwi na po?" as expected, nangunot na naman ang noo nya.

"After you brought me here? Iiwan mo ako?" Nauubusan ng pasensya nitong bigkas. "Lets go." tila napapasong inilayo ko ang braso sa kamay nya. Pero dahil sya si Miss Salvidar, muli nyang hinila ang braso ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang kabang nararamdaman ko, ang lakas lakas pa rin ng tibok ng puso ko, mabuti na lang talaga ay kahit papaano kinakaya ko pa rin.

Nakaka bigla, kaya hindi rin kapani paniwala.

Lihim kong pinag masdan si Miss Portia, maganda, maputi, mabango, matalino, mayaman, ginagalang, presidente ng school namin. At halatang straight. Kaya impossible talaga.

Pssh.

Ako pa ang pag lalaruan nya? Grabe ma bored ang mga mayayaman ha. Gumagamit ng ibang tao para ma entertain sila. Ibang klase.

"Ihahatid na kita, lets buy food for your lola too." agad akong naalarma sa sinabi nya.

I asked Rhoann if she could check for my lola bago sya pumuntang school, sabi nya binilhan nya na raw ng pagkain at may iilang silang tauhan para bantayan ito. Which is I'm so thankful kasi hindi na ako naka daan sa bahay kanina sa sobrang kulit ni Miss Portia.

Saka isa pa sya rin naman ang nag sabi na pababantayan nya ang lola ko habang inaasikaso ko ang lasing naming propesora.

Tapos ngayon naman ay gusto pa ako nitong ihatid? E' kila Rhoann ako pupunta.

"Pupunta po muna ako kina Rhoann, ma'am." ang akmang pag bubukas nito ng pintuan ng kotse nya ay naudlot, matalim na tumitig sa'kin, sa talim pa lang ng tingin nya ay malalaman na agad na nag tatanong ito sa kung anong gagawin ko sa bahay ng kaibigan.

"Tino-tutor ko po kasi--" kusa na akong huminto sa pag sasalita ng mas lalo lang na tumalim ang tingin nya sa'kin.

"Come again?" narinig naman yata nya? Bakit ko pa uulitin?

"Tino-tutor ko po--"

"You accepted her offer?" now she's gritting her teeth. Halatado rin ang pag galaw ng panga nito.

"Oo?" patanong ang naging tunog ng sagot kong iyon.

"After declining mine?" hindi makapaniwalang itinuro nya ang sarili. She bit her lower lip and frustratingly open the door and get in. Malakas pang isinara ang pinto.

"Get in, Shevaya. Don't even start with that reason of yours. I don't wanna hear it." Gusto kong umangal, gusto kong mag sabi na ako na lang ang pupunta kina Rhoann, gusto ko syang tanggihan. Pero, gusto ko pa namang mabuhay kaya pumasok na ako sa loob ng sasakyan at mabilis na nagkabit ng seat belt.

Tahimik nyang pina-sibad ang kotse, tahimik lang din akong nakatanaw sa labas. Ilang beses akong lumingon sa banda nito, sinubukan ko pang ibuka ang bibig para mag salita pero lamang kasi ang kabang nararamdaman ko.

She carefully park her luxurious car on a parking space in Demie's garden. Ito ang unang restaurant na nadaanan namin.

"Do you want to eat here or take out?"

"Kayo po ang bahala, saka isa pa Miss, pupunta pa nga ako kayna Rho--"

"Right, let's take out foods, for you and your lola." hindi man lang dininig 'yung sinabi ko, so? Bakit pa sya nag tanong?

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon