Chapter 33

79.4K 2.9K 3.7K
                                    

SHEVAYA

Gamit ang towel na dala ay pinunasan ko ang sariling mukha. Nag lakad ako kung nasaan naka lagay ang gym bag ko. I need to check my phone.

Lampas tatlong oras ko na ring hindi nache-check iyon. For sure may babaeng nagwa-wala na sa inbox ko.

I take a sip sa energy drink na dala ko at gamit ang isang kamay ay binuksan ko ang cellphone. Para lang bumungad sa'kin ang sunod sunod na notifications galing kay Portia.

Miss Portia:
I'll be having a meeting
in 10, where you at?

Galit na galit pa yan ng i-set ko ang nickname nya sa ganoon e. Naka ilang palit na sya, pero dahil ang cute nyang maasar, pinapalitan ko.

Miss Portia:
Shevaya?

Miss Portia:
Answer the goddam phone.

Miss Portia:
I need an update.
The last picture you
sent me is this.

Sabay send noong picture na binigay ko 2 months ago.

Miss Portia:

Miss Portia:You look hot, tho

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Miss Portia:
You look hot, tho.
But what the heck?

Miss Portia:
It's been two months,
Shevaya, are you doing this
on purpose? It's pissing me.

Miss Portia:
Delivered? You left me
on delivered?

Miss Portia:
Where are you right now?!

Binitawan ko ang tumbler na hawak saka tinawag si Harper. Sya parati ang kasa-kasama ko, kung hindi naman si Harper ay si Heather. Hindi kasi sumama si Rhoann, bigla na lang nawala noong araw mismo na aalis na kami.

"Har,"

"Yes, Ate Aya?" pinatay muna nito ang treadmill na gamit saka lumapit sa'kin.

"Lets go back sa hotel mga 10 minutes more. Mamaya na yung flight na'tin pauwi e." Pumunta akong camera app para mag take ng picture ng hindi na mag dabog sa chat ang isang iyon.

Mahirap na, baka biglang nandito na sya sa Europe kung hindi pa mapag bigyan.

"Got it, ayusin ko lang gamit ko." tumango ako.

Me:
Uuwi na kami.

Miss Portia:
Oh, wow. You still
alive.

Ang bilis mag reply. Parang walang ginagawa ah. Anong oras na ba sa pilipinas ngayon?

Lumitaw yung tatlong dot sa baba ng chat box namin, indicating that she's typing something. Bago pa sya makapag reply ulit ay nag send na ako ng picture.

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon