Chapter 38

70.3K 2.4K 2.5K
                                    

SHEVAYA

"Shevaya, sorry na kasi." itinaas ko ang kamay para sabihing ayos lang. Pero sadyang tanga talaga itong si Gregory at hindi makaintindi.

"Sheveya." hindi pa nakokontentong humawak sa braso ko.

Nagpapasensyang inalis ko ang kamay nito na nasa braso ko, baka sabay pa kasi kaming mawalan ng buhay kapag ipinag patuloy nya ang ginagawa nya.

"Oo na nga, lumayo ka. Kumakain ako," masama ang loob na nagbaling ako ng tingin sa parte kung saan kumakain ngayon si Portia.

Sa office nya kami dapat kakain eh, pero dumating lang yang Harry na 'yan, sinabihan akong dito na muna sa cafeteria kumain at babawi sya mamayang dinner.

Lol.

Gusto kong umirap.

Ang pangit nilang dalawa tingnan ha.

Kung sino ka mang Harry ka, sana mauntog ka mamaya. Sa kung saan, sa pinto, sa bubong. Wala akong paki. Basta mauntog ka.

"Nakakainis." inis ko ng bulong.

"May sinasabi ka Aya?" tanong ni Kris.

"W-wala." nahihiya akong nagpatuloy sa pagkain dahil mukhang narinig pa yata ni Kristine ang ibinulong ko.

Sinong hindi maiinis, after akong pahirapan sa detention room, pagkain na nga lang ang makakapag pabawas ng sama ng loob ko, dumating pa itong Harry na 'to.

Edi kumakain ako ngayon na kasama sina Gregory, bawat subo na may lamang sama ng loob.

Ito namang si Ma'am, mamaya ka talaga sa'kin. Hindi kita bibigyan ng kiss, ngina talaga.

"Hoy tanga, wag mong i-murder yung meatball." inusog ko ang platong halos wala ng laman. Nakakawala ng gana.

Pumalumbaba ako saka tinitigan ulit si Ma'am na nakikipag lunch sa isang animal creature.

Are they talking about business? Bakit dito? Kailangang dayuhin? Kung kailan lunch time? Hindi ba uso sa kanya ang mamahinga sa oras ng pagkain? At talagang dinamay nya pa ang girlfriend ko sa katarantaduhan nya.

"Crush mo yung kasama ni Ma'am?" pwede bang maniko ng taong nagngangalang Gregory? Nagkakasala ako sa mga ito.

Mabuti pa noong sina Sutara, Hilaga at Rhoann ang kasama ko, kahit papaano matino pa ang pag-iisip ko. Pero ngayon, pulos na mga siraulo ang nakapalibot sa'kin.

Kaya rin napagkakamalan na akong siraulo ng girlfriend ko.

"Yan siguro ang nagpapadala kay Miss President ng mga Tulips." Oh, bugok ka. Nandito sa tabi mo yung jowa, sasapakin na kitang hinayupak ka.

Kanina pa mainit ang ulo ko dahil kay Harry, dadagdagan mo pa.

"Aalis na ako." hindi ko pinansin si Portia na nakatingin sa'kin habang papalabas ako ng Cafeteria. Mag sama kayo ni Harry, pero ngayon lang. Sa'kin ka pa rin.

Pumunta akong library dahil may one hour pa akong natitira. Hindi ako uupo doon ng isang oras para lang panuorin sya 'no.

Umupo ako sa kung saan ako parating umuupo dati kapag feel kong mag-aral. Kinuha ko ang librong nabili online. Nagustuhan ko sya kaya binili ko. Not to mention na it's a lesbian story, entitle Clap when you land.

Seryoso akong nagbabasa ng biglang may umupo sa kaharap kong upuan.

"It's weird to see someone reading that kind of book." pag angat ko ng tingin ay bumungad sa'kin iyong professor na fresh graduate, n'ong second year pa lang ako.

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon