PROLOGUE

128 11 15
                                    

Disclaimer:

This is a work of Fiction. Names, characters, places, businesses, events are either the products of the author's imagination or use in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead or actual events is purely coincidental.

This story is unedited so expect typo, graphical errors, grammatical errors, wrong spelling or whatsoever errors, if you're looking for a perfect story don't continue reading this, arigato!

DATE STARTED: DECEMBER 10, 2019

DATE STARTED: DECEMBER 10, 2019

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Bae Suzy as Yoona Stevenson.


"Did you really love me?! I gave everything Sandra! But why are you doing this to me?! Para mo akong pinapatay."

I am currently in my room and I can hear my parents arguing from downstairs. It hurts me especially when Dad is being talked about, ngayon ko lang narinig ang boses niyang ganyan, mahahalata mong nasasaktan nga siya ng subra.

"Haven't I loved you enough? Hindi mo ako masisisi kung nawala ang pagmamahal ko sa 'yo! Palagi ka na lang busy! Palagi mo na lang inuuna ang ibang tao kaysa sa akin! Kaysa sa amin ng anak mo!" Singhal ni mommy. Iyon ang dahilan kung bakit tuloyan na ngang tumulo ang aking mga luha na kanina pa namumuo sa aking mga mata.

"I thought you understand me?! I thought you accepted my job as a Doctor? Alam mong kahit busy ako nabibigay ko pa rin ang lahat ng gusto mo! Ang lahat ng gusto ni Yoona! Kapag may free time ako ay binibigay ko ang lahat ng oras ko sa inyo, kulang pa ba? Hindi pa ba sapat iyon Sandra?!" Nakagat ko ang aking pangibabang labi nang marinig ko ang paghikbi ni Dad.

"Wala na tayong dapat pagusapan pa Krix! Maghiwalay na tayo, I will file an annulment!"

Agad akong nagtungo sa pintoan nang marinig iyon kay mommy, binuksan ko ang pinto at lumabas ng aking silid. Ngunit nasa hagdan pa lang ako nang magsalita si Daddy, dahilan kung bakit ako napahinto.

"Iyon lang ba talaga ang dahilan o baka may iba na, Sandra? Tell me the truth, hindi 'yong ginaganito mo ako, you're hurting me.." Kaagad kong tinakpan ng aking dalawang palad ang aking bibig.

Kung hindi ko tatakpan iyon ay siguradong maririnig nila ang aking paghikbi na siyang ayaw ko mangyari. Ang kirot sa dibdib, nasasaktan ako, higit pa sa subra. Hindi nakaimik si mommy ng tanongin iyon ni Dad sa kaniya, sa halip ay tuloyan na siyang napahagolgol.

"I'm sorry, h-hindi ko sinasadya Krix, i'm sorry.."

Hindi ko na napigilan ang aking sarili, tuloyan na 'kong napahagolgol. Iyon ang dahilan kung bakit sila napalingon sa aking gawi.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now