39

8 0 0
                                    


"OMG! Seryoso?!" Masayang turan ni Reign matapos kong ikwento sa kaniya ang nangyaring pagpropose sa akin ni Axel. Nakangiti ko siyang tinangohan. "So, kelan ang kasal ninyo?! Saan gaganapin, anong mga gagawin?!" Dugtong niya sa sinabi, dahilan kung bakit ako mahinang natawa.

"Kumalma ka nga!" Natatawa kong sinabi sa kaniya, ngunit nginitian niya lamang ako. I sighed. "Sa susunod na buwan na ang kasal namin, pagpaplanohan namin iyong mabuti ni Axel nang sa gano'n ay maganda ang maging kalabasan ng kasal namin." Aking lintanya, malapad siyang ngumiti dahil do'n.

Naluluha niyang hinawakan ang aking mga kamay. "Ang layo na ng narating mo, sa wakas ay matutupad na rin lahat ng pangarap mo.. Akala ko hindi na ito mangyayari, pero tignan mo. Unti-unti ng natutupad ang mga pinangarap mo lang noon, i am very proud of you.." Aniya, nginitian ko siya at niyakap. Ramdam ko agad ang kaniyang pagganti sa yakap kong iyon.

"Sa susunod ikaw naman ang ico-congrats ko." May ngiti at malambing kong sabi, tumango naman siya.

Masaya ako, dahil narito pa rin si Louxiereign sa aking tabi magpahanggang ngayon. Hindi niya ako iniwan at kahit na minsan kaming nagkalayo ay palagi namang magkasama ang aming mga puso, para ko na siyang kapatid at hindi ko kakayanin kung pati siya ay mawawala sa akin.

Matapos ang masayang paguusap namin ni Reign ay umuwi na siya upang ibalita kay Jihyun ang mga nangyari. Ako naman ay kasalukoyang nasa bahay, kung saan naroon ang aking Ina. Lumabas ako ng aking kwarto at napagpasyahan kong bisitahin si mommy, nang makarating ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

Himugot ako ng hininga at napangiti habang pinagmamasdan siya. Nagsusuklay siya ng kaniyang buhok, kaya naman nilapitan ko na siya.

"Ako na po." Sabi ko at kinuha sa kaniya ang suklay na hawak niya.

"Ikaw pala 'yan, kamusta ang pagdalaw mo sa lalakeng iyon?" Aniya, ako naman ay sinimulan ng suklayin ang kaniyang buhok.

"Maayos naman ang paguusap naming dalawa, wala na po ka'yong dapat na ikabahala.. Ang kailangan niyo na lang pong gawin ay ihanda ang sarili mo sa nalalapit mong operasyon." Nakangiti at may galang kong sagot.

Inilingi niya ang kaniyang ulo, dahilan ng aking paghinto. "O-operasyon? Ibig mo bang sabihin ay.."

"Yes, my. Makakakita na ka'yong muli. Naikwento sa akin ni Axel na may hanap na silang donor, congrats po." Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mga labi ni mommy nang sabihin ko iyon. Niyakap ko siya habang ako'y nasa kaniyang likoran, "Hindi pwedeng hindi ninyo masaksihan ang araw ng kasal ko, My. Ikaw ang maghahatid sa akin patungo sa harap ng altar.." Dugtong ko sa aking sinabi, kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. Narinig ko rin ang kaniyang paghikbi, dahilan kung bakit ako mahinang natawa.

"Subrang saya ko, anak. Subra, kung narito lang ang daddy mo, tiyak akong mas masaya pa siya kaysa sa akin.." Aniya, sa kaniyang huling sinabi ay mariin akong napapikit. "I badly miss your dad.." Tuloyan na nga siyang humagolgol matapos niya iyong sabihin.

Miss na rin kita, Daddy.

"Magpahinga na po muna ka'yo, ipaghahanda ko na lang po ka'yo ng makakain." Kumalas ako sa kaniya at sinabi iyon, tinangohan niya naman ako. Hinalikan ko siya sa kaniyang noo bago ako lumabas ng kwarto.

Nang sandaling maisarado ko ang pinto ay sumandal ako rito, narinig ko ang paghikbi ng aking Ina. Hindi ko na rin napigilan ang aking sarili, napahawak ako sa aking bibig upang hindi gumawa ng ingay.

Ang sakit sa aming mga puso ay kailanman hindi na maghihilom. Ngunit kailangan naming magpatuloy. Nang sa gano'n ay patuloy kaming umahon.

Umalis na ako sa pwestong iyon at napagpasyahang magtungo sa kusina. Nang makarating ako ay agad na napadako ang aking mga mata dahil sa gulat, napahawak ako sa aking bibig nang makitang dugoan at walang malay ang tagapagluto ng bahay na ito. Agad akong lumapit sa kaniyang gawi at chineck ang kaniyang pulso, mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib nang mapagtanto kong wala na itong buhay.

THE DOCTOR'S REVENGE Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang