23

16 4 0
                                    


"Iha, nadala lamang sa emosyon ang aking anak.. Hindi mo kailangan umalis dito, kailangan ka ng Hospital."

Kasalukoyang narito ako sa opisina ng Chairman, nakaupo at seryosong nakatingin sa kaniya.

I sighed. "Naiintindihan ko po, na kailangan ako ng Hospital na ito dahil tanyag ang pangalan ko sa ibang bansa maging sa bansang ito.. Aking lintanya. Kaagad na nagbago ang reaksyon ng kaniyang mukha matapos ko iyong sabihin, tila'y ibang Doctor ang kaniyang kaharap. "Let's be honest, Chariman: you don't want me to leave because the Hospital's income is increasing because of my presence, at maliban sa apo mo wala kang ibang inaasahan kun 'di ako lang."

"Pinipilit kong maging maayos ang usapang ito, Doctora Stacey, ngunit binibigyan mo ako ng dahilan para maging bastos ako sa 'yo! Tell me, why did you suddenly change your perceptions about us? I thought working at this hospital was your dream?!" Tuloyan na ngang lumabas ang tunay niyang kulay.

Yumuko ako sandali, muli ko siyang tinignan ng seryoso. "Tama ho ka'yo, pinangarap ko ang magtrabaho dito ngunit lahat naman tayo ay may dahilan kung bakit nakatongtong tayong lahat ngayon sa Hospital na ito. No'ng una, akala ko kapag nagtrabaho ako dito ay mas magiging masaya ako ngunit hindi ko akalaing mapapatunayan ko ang mga sinasabi ng iba, na baluktot ang takbo ng Hospital na ito. Paano niyo nakakayanang itaboy ang mga pasyenteng mas kailangan ang tulong ng Hospital na ito? Paano niyo nakakayanang unahin ang pera kaysa sa kaligtasan ng mga pasyente?!" Hindi ko napigilan ang aking sarili, tumaas na ang aking boses. Inilabas ko ang aking galit ngunit hindi ko pinahalatang may mas malalim pa akong dahilan kung bakit iyon ang nararamdaman ko ngayon.

"You know enough about us, iha.. Kilalanin mo kung sino ang binabangga mo! Hindi porket sikat ka ay pwede mo na kaming bastosin! Tandaan mo, nakakataas pa rin kami ang sa 'yo!" Lihim akong napangiti habang sinasabi niya iyon, halatang naiinis na siya sa akin dahil sa aking inaasta.

"Nakakataas? Ginagamit mo ba ang posisyon mo upang magyabang sa akin, Chairman Arallia? Matanda na po ka 'yo. Alam nating pareho na mas malayo pa ang aking mararating at posibleng malampasan ko ang posisyong pinagmamayabang mo ngayon sa 'kin.." I stated and smiled at him sacrastically. Mahina akong natawa nang mapansin kong namumula na siya dahil sa galit.

"Anna! Palabasin mo ang babaeng ito ngayon din!" Galit niyang sigaw, may biglang pumasok na babae at nilapitan ako.

"I'm sorry, Doc, pero kailangan niyo na pong lumabas.." Anang niya, tinangohan ko siya't nginitian. Tumayo ako at binalingan ng tingin ang Chairman, nginitian ko siya ng malapad at yumuko ng panandalian bilang paggalang.

Matapos iyon ay tuloyan na nga akong pinalabas ng tinawag niyang Anna. Isang malapad na ngiti ang aking pinakawalan habang naglalakad palabas ng Hospital. Ngunit nang malapit na ako sa exit ay may biglang tumawag sa aking pangalan, na siyang familiar sa akin ang boses kaya naman agad akong lumingon sa pinanggalingan niyon.

Napagtanto kong si Reign ito. "Oh, bakit nandito ka? Akala ko ba ay may seminar ka kaya hindi mo 'ko mahahatid?" Sabi ko. Hindi niya ako sinagot at nanatili lamang siyang seryoso habang nakatingin sa akin, na siyang ikinakunot ng aking noo.

Medyo nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang pulsohan ng aking kanang kamay at hinila niya ako palabas ng Hospital. Dinala niya ako sa lugar na kung saan ay walang ibang tao, kun 'di kami lang.

"Naalala ko na. Akala mo ba ay tuloyan ko ng nakalimotan ang lahat ng plano mo? Yoona, talaga bang itutuloy mo ang binabalak mo? Kaya ba nagbago ang pasya mo?" Sunod-sunod na tanong niya, napalunok ako at agad na nagiwas ng tingin.

"Naiintindihan kita, bes.. Hindi ako nagsalita sa plano mo noon dahil pinilit kong intindihin ang mga nangyari! Pero.. naisip mo man lang ba ang magiging resulta kapag tinuloy mo 'yang binabalak mo? Paano si Axel? Paano na lang kapag nalaman niya ito? Na ang sarili niyang ama ang siyang Doctor na pumatay sa daddy mo?! Tingin mo ba hindi niya sisisihin ang kaniyang sarili?!" Sunod-sunod ang paghugot ko ng aking hininga, muli ko siyang binalingan ng tingin nang marinig ang kaniyang huling sinabi.

THE DOCTOR'S REVENGE Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang