13

33 5 0
                                    

"Kamusta ang pakiramdam mo, anak?" Nilingon ko si Tay Nestor, nginitian ko siya ng tipid at tinangohan.

"Ayos na po, si Nanay po ba tulog na?" Saad ko, na siyang ikinatango niya.

"Sige, do'n muna ako sa nanay mo ha.." Aniya, tinangohan ko siya. Gaya ng kanyang sinabi ay pumasok na siya ng kwarto nila ni Nanay Merced.

Kasalukoyang nasa bahay kami. Kahapon pa na discharged si Nay Merced at napagpasyahan naming dito na lang siya magpahinga sa bahay, dahil hindi na rin kami magtatagal dito. Pinagisipan kong mabuti ang suhestiyon nina Lolo at Lola sa akin noon, napakalaking opurtonidad na rin kung sa Switzerland ko ipagpapatuloy ang aking pagaaral ng medisina. Hindi naman gano'n kalala ang sakit na meron si Nanay Merced pero gusto ko siyang ipagamot sa ibang bansa, upang mas matutokan siya.

Humugot ako ng malalim na hininga. Inaayos ko ang mga gamit namin, hindi ko pa ito nasasabi kina Reign at Jihyun kaya sigurado akong masasaktan ko silang dalawa sa agadang pagalis ko. Inaamin ko, hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako at ito lang ang tanging paraan para makalimotan ko ang mga nangyari. Ito lang ang tanging paraan para mapaghandaan ko ang tunay kong nais, ang ipinangako ko sa sarili ko noon.

Napagtanto kong hindi dapat ako magtanim ng galit kay Axel, dahil sa anak siya ng taong pumatay sa daddy ko. Oo nga't nasaktan niya ako pero alam ko ring nasaktan ko siya, ngunit iyon ang nagbigay sa akin ng dahilan para hindi na muling maniwala sa pagibig. Nagdesisyon akong kalimotan ang lahat, kung ano ko siya kadaling nakalimotan noon, sigurado akong kaya ko siyang kalimotan ngayon.

Ngayon ko lang napagtanto na hindi maganda para sa akin ang pag-ibig na iyan. Mas lamang pa ang sakit na mararamdaman mo, kaysa sa maramdaman ang kilig at saya. Hindi naman talaga ako naniniwala sa pagmamahal noon, ngunit nang makilala ko si Axel ay nagbago ang paniniwala ko. Ngunit siya rin ang nagbigay sa akin ng dahilan kung bakit gusto kong ibalik ang paniniwala ko noon, akala ko ay baluktot iyon ngunit dahil sa mga naramdaman at naranasan ko, doon ko lang napagtantong tama pala ako.

It's true that love can hurt you. Heartbreak isn't just devastating emotionally; it can also do a number on you physically, for various reasons. Even if you're in a relationship, it doesn't mean you're immune; love can be painful even when you're partnered. Marami akong natutunan at nagpapasalamat ako dahil sinaktan niya ako, dahil ipinaramdam niya sa akin iyon.

Don't trust too much. Don't love too much. Don't hope too much. Because that too much, can hurt you so much.

Nang matapos kong ayosin ang aming mga gamit ay nagtungo ako sa kwarto nina Nanay Merced. Hindi ko pa naayos lahat dahil may ilang araw pa naman kaming natitira, iyong importante na muna.

Nang makarating ako ay pumasok na ako. Agad na sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang sandaling magtama ang aming mga mata. Lumapit ako sa kaniya't niyakap siya, ngunit panandalian lang. Wala si Tay Nestor, marahil ay naroon siya sa baba at ginagawan ng lugaw si Nanay.

"Kamusta po ang pakiramdam niyo?" I asked, hinaplos niya ang aking pisngi.

"Ayos lang ako, anak. Ikaw ang dapat kong tanongin niyan, kamusta na ang pakiramdam mo?" Unti-unting naglaho ang ngiti sa aking mga labi, yumuko ako saglit at napabuntong hininga.

"Naiyak ko na po lahat, sigurado akong ayos na'ko. Napagtanto ko pong kaya ko ng wala siya, dahil kinaya ko naman noon kahit na ako lang magisa." Pait akong ngumiti sa kaniya, gano'n na lang kabigat ang kaniyang paghinga nang marinig ang aking sinabi.

"Alam mong totoong minahal ka ni Axel, anak. Sana lang ay huwag kang magalit sa kaniya dahil anak siya ng Doctor na iyon." Nakagat ko ang aking pangibabang labi, tipid akong ngumiti at tinangohan siya.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now