33

17 4 0
                                    


"Impossible! Matagal ng wala ang anak ni Krix.. Papaanong ikaw ang anak niya?!" Napataas ang aking isang kilay nang sabihin iyon ni Timothy.

"Hindi ko kailangan patunayan sa 'yo kung ako nga ba ang anak niya o hindi. Gusto kong malaman ng lahat na buhay ako, na nagbabalik ako.. Inuulit ko, ako si Yoona Stevenson." Aking lintanya ng seryoso. Sa mga sandaling ito ay matinding galit ang siyang nararamdaman ko, ni hindi ko magawang pansinin ang presensya ni Axel dahil sa kaniyang ama.

Gusto kong ipaalam sa buong mundo ang kahayopang ginawa ng walang kwentang lalake na 'to sa aking ama. Gusto kong ipamukha sa lahat na ang kinikilala nilang Medical Director ay isang kriminal, isang mamamatay tao at walang puso!

Hindi pa rin tumitigil ang mga sari-saring komento ng mga tao. Patuloy pa rin sila habang gulat na nakatingin sa amin, sa akin.

"Kung ikaw ang anak ni Krix, bakit nawala ka? Anong binabalak mo at bakit ka bumalik dito para gawin ito sa amin?!" Sabat ng Chairman, saglit akong napayuko. Nang magangat ako ng tingin sa kaniya ay sakristo ko siyang nginisihan.

"Hindi ako nawala! Sa katunayan nga, sa paraalan pa ng St. Luke ako nagaral noon.. Ngunit maraming nangyari kaya ipinagpatuloy ko ang pagaaral ko ng medisina sa Switzerland, walang nakakilala sa akin dahil pinalitan ko ang aking pangalan! Bakit? Upang hindi ako makilala ng taong pumatay sa aking ama!" Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilan ang aking sarili, tumaas na ang aking boses at galit kong binalingan ng tingin si Timothy.

Napansin ko ang kaniyang paglunok, napatayo ang Chairman dahil sa aking huling sinabi at nangunot ang kaniyang noo.

"S-sandali.. Anong sinasabi mong pinatay? Sa pagkakaalam ko ay nagkaroon ng matinding sakit ang iyong ama, iha. Hindi kinaya ng kaniyang katawan ang operasyon kaya mismong siya na ang bumigay.." Bakas ang kuryosidad nang sabihin niya iyon sa akin, halatang walang alam sa mga nangyari.

Pakla akong tumawa. "Hindi ganon kalala ang sakit ng daddy ko! Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito.. Matagal kong hinintay na makabalik ako sa Hospital na 'to! Upang ipaalam sa inyong lahat na ako ang anak ng taong pinatay ng taong 'yan!" Tuloyan ng tumulo ang aking mga luha. Nanginginig ang aking mga kamay habang nakaturo kay Timothy, ni hindi ko pinansin ang naging reaksyon ni Axel.

Naramdaman ko ang presensya ni Doc Tommy sa aking tabi. Mas lumakas ang bulongan ngunit wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila dahil masyado akong nakapokus kay Timothy.

"Yoona, a-ano bang sinasabi mo? Nagugulohan ako.." Narinig kong komento ni Axel, dahilan kung bakit ko siya nilingon. Napansin ko ang pamumuo ng kaniyang mga luha ngunit binalewala ko iyon sa halip ay lumapit ako sa kaniya.

"Siya ang Doctor na pumatay sa daddy ko, Axel! Ang walang kwenta mong ama ang pumatay sa daddy ko! Pinatay niya ang daddy ko, ano bang hindi mo maintindihan do'n? Mamamatay tao ang daddy mo!" Galit na galit kong singhal, itinuro ko pa si Timothy. Sunod-sunod ang kaniyang paghinga, maging ang kaniyang mga luha ay kumawala na rin sa kaniyang mga mata.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Matinding galit ang siyang nararamdaman ko ngayon, animo'y ano mang oras ay makakapatay ako ng tao. Nang sandaling magmulat ako ay agad akong lumapit kay Timothy, walang pagalinlangan kong hinawakan ang kaniyang leeg. Nanginginig ang aking mga kamay at mas lalo ko pa iyong hinigpitan, na siyang ikinagulat nila.

"Yoona!" Narinig kong pagsuway sa akin ni Doc Tommy, ngunit hindi ko siya magawang lingonin.

"Pinatay mo siya! Akala mo ba hindi ko malalaman ang lahat?! Sinabi ko na sa 'yo noon, na babalik ako dito! Na bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ng daddy ko.. Wala kang puso! Dahil sa pagkaganit mo, pinatay mo ang siya! Dapat ikaw ang namatay, hindi siya! Walang kang konsensya!" Halos garalgal na ang aking boses habang sinasabi iyon sa kaniya at tila'y mapuputol na ang aking mga ugat sa leeg.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now