4

35 6 0
                                    

"Stacey!" Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon, napatigil ako sa paglalakad at napagtanto kong si Louxiereign ang tumawag sa akin.

Mabilis siyang naglakad palapit sa akin. Napaawang ang aking labi nang makita si Axel sa kaniyang likoran. "Inaya ko na rin sya." May ngiting sabi niya, hindi ako agad nakasagot. "Ayos lang ba?" Agad akong tumango nang muling magsalita si Reign.

Tipid akong ngumiti. "Oo naman, saan tayo?"

Wala namang problema sa akin kung kasama siya, nakakailang lang talaga ang pagiging tahimik niya.

"Kahit saan ang importante makapag relax tayong tatlo!" Masayang turan ni Reign, na siyang tinangohan ko.

Kasalukoyang nasa isang mall kami. Nagsimula na kaming maglakad at si Reign ang nauuna sa amin. Nasa likod kami ni Axel at ni isa ay walang nagsalita sa halip ay sinundan na lang si Reign.

Huminto kami sa tapat ng Amusement Arcade Center. Naunang pumasok si Reign na siyang sinundan namin ni Axel. Nagtungo siya sa Slam N Jam Extreme area. Nagbayad siya sa babae upang makapaglaro, ganon din si Axel.

Matapos no'n ay pumwesto na sila, sunod-sunod nilang ishinot ang bola sa ring.

“Sigurado ka bang gusto mo dito?” Tanong ko, nilingon ako ni Reign.

“Huwag ka ngang kj! Oh ito, i-shoot mo dali!” Agad niyang ibinigay sa akin ang bola kaya agad ko iyong nahawakan.

Napabuntong hininga ako at tinangohan siya. Gaya ng kaniyang sinabi ay ishinot ko ang bola sa ring.

Napataas ang aking mga kilay.

“Wow, shooter!” Masayang sabi ni Reign at binangga ang aking balikat. Nginitian ko siya. Muli kong ishinot ang bola at napansin kong bumalik si Reign sa paglalaro habang si Axel ay seryoso sa ginagawa niya, abala sa paglalaro.

Inaamin kong sa mga sandaling ito ay masaya ako. Masaya akong kasama silang dalawa. Halos libotin namin ang buong area dahil kay Reign, tumagal kami sa arcade center dahil marami kaming nilaro. Katulad ng billiards, social boiling, 9D VR simulator ride, mini boiling, krazee whirl at wangan maxi tune 6RR. Kahit ang pang video-oke ay hindi namin pinalagpas.

Sa unang pagkakataon narinig ako ang tawa ni Axel. Bakas sa kaniya ang saya no'ng mga oras na naglalaro kami. Halos apat na oras ang itinagal namin sa arcade center hanggang sa mapagdesisyonan naming kumain sa labas.

Nagtungo kami sa isang kainan na nasa gilid lang ng kalsada. Umupo kami sa bandang gitna at si Reign na ang nag-abalang um-order ng aming kakainin.

“At limang bote ng soju!” Agad ko siyang binalingan ng tingin nang marinig iyon. Tumango iyong babae sa kaniya at umalis sa harap namin upang kunin ang mga in-order niya.

Nang lingonin niya ako ay nagtama ang aming mga mata. “Ano ka ba? Hindi na tayo mga bata. Soju lang naman 'yon, e. Saka, tapos na ang duty natin.” Nginitian niya ako ng malapad.


Humugot ako ng hininga at napailing na lang.

“Kung ayaw mong uminom, huwag mong pilitin ang sarili mo.” Naibaling ko ang aking tingin kay Axel nang sabihin niya iyon. Tipid akong ngumiti at tinangohan siya.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now