12

29 6 0
                                    

"Kanina pa kami naghihintay dito." Iyon agad ang bungad ni Reign nang masalubong namin sila sa hallway.

Naningkit ang aking mga mata at gaya ko ay nagtataka rin si Axel. "Bakit?" Tanong ko.

"May program, e. Actually, madami ng tao sa ground." Saad ni Jihyun, pareho kaming tumango ni Axel. Muli kaming naglakad patungo sa ground, kasama silang dalawa. Nang makarating ay pansin kong nakaupo na ang mga studyante, may bakante pa sa gitna kaya doon kami pumunta at umupo.

"Good morning Students! Maaari na ka'yong maupo at magsisimula na tayo.." Ani ng isang professor. Unti-unti ng tumahimik ang lahat at nakaupo na, nakatingin na rin ang lahat sa harap, kung saan naroon ang projector. "Inimbitahan namin ka'yong lahat na dumalo sa programang ito, dahil gusto naming ipakita sa inyo ang lahat ng mga parangal na natanggap ng St. Luke University. Gusto namin itong ipakita sa inyo para mabigyan kayo ng inspirasyon at syempre motivation, para patuloy ka'yong magsikap sa pagaaral. Lalo na sa mga graduating students!"

Lahat ay seryosong nakatingin sa harap habang pinapakinggan ang mga sinasabi ng Professor. Lingid sa kaalaman ng lahat na ang skwelahang ito ay hindi lang para sa Medical Students, sa katunayan ay kasama namin ngayon ang mga studyante ng ibang Department. Sa lahat ng school sa Cavite ay ito ang pinakasikat na skwelahan, sikat rin ito sa Industriya at maraming magagaling na guro sa paaralang ito. Iyon nga lang ay mahal ang tuition, karamihan sa mga sa kanila ay anak mayaman. Mabuti na lang at nariyan ang grandparents ko, dahil kahit papaano ay natutulongan nila ako sa aking pagaaral ng medisina.

Binalingan ko ng tingin si Axel. Ganon na lang kalapad ang ngiti sa aking labi nang magtama ang aming mga mata.

"I love you." Aniya.

"I love you too." May ngiti at sinsirong sabi ko, matapos non ay ibinaling na namin ang aming tingin sa harapan.

Napataas ang aking mga kilay nang biglang namatay ang projector. Agad iyong inayos ng professor at ilang sandali pa ay muli itong nagbukas, ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Tila'y binuhosan ako ng malamig na tubig at hindi makagalaw. Ramdam ko ang panginginig ng aking labi habang pinapanood ang palabas, sunod-sunod ang paglunok na ginawa ko, kasabay non ang pagtulo ng aking mga luha.

Nakita ko ang mukha ko sa TV, kasama si Lance. Kuha ang videong iyon no'ng araw na pinagtangkaan niya akong gahasain. Ngunit iba ang nakikita ko, sa videong iyon ay parang ginawa namin iyon ng sadya at hindi sapilitan.

Paano niya nagawa sa akin ito, matapos niya akong bastosin?!

Nang lingonin ko si Axel ay unti-unting naglaho ang malapad na ngiti sa kaniyang mga labi. Hinawakan ko ang kamay niya ngunit agad niya iyong iniwas, matalim niya akong tinignan. Tumayo siya at naglakad papalayo sa akin, nang ilibot ko ang aking paningin ay biglang kumirot ang aking dibdib nang makitang lahat sila ay nakatingin na sa aking gawi.

"Sino ang may gawa nito?!" Singhal ng Professor, hindi ko iyon pinansin sa halip ay tumayo na at sinundan si Axel, rinig ko ang pagtawag sa akin ni Reign ngunit hindi ko iyon pinansin.

Napadpad ako sa room namin dahil do'n nagtungo si Axel. Nang pumasok siya ay pumasok rin ako, kita ko ang sunod-sunod na pagtulo ng kaniyang mga luha.

"Hon, hindi 'yon totoo! Huwag kang maniwala sa kanila.. Hindi iyon ang totoong nangyari!" Hikbing saad ko, nilingon niya ako. Bakas sa reaksyon ng kaniyang mukha ang pagkadimasya, galit at sakit.

Pwersahan niyang sinipa ang upoan na nasa harap niya. "Ano ang dapat na hindi ko paniwalaan?! Hindi ba't malinaw na malinaw na niloko mo'ko!"

"Axel.."

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now