22

20 5 0
                                    


ALAS otyo nang magtungo ako sa sementeryo, kung saan inilibing ang aking ama. Kasalukoyang nakatayo ako ngayon sa harap ng kaniyang puntod, inilapag ko ang bulaklak sa ibabaw niyon at hinaplos ang kaniyang pangalan sa lapida.

"Ilan taon na rin ang nakalipas, dad.. Ngunit heto pa rin ako, nasasaktan at hindi makalimotan ang mga nangyari.. Si Hannah? Hindi ko na siya muling nakita pa ngunit alam ko na daratig ang araw na muling magtatagpo ang aming landas.. Huwag niyo po akong alalahanin, alam ko po ang ginagawa ko.. Malapit ko na hong mapalaya ang aking sarili at malapit ko na mabigyan ng hustisya ang iyong pagkamatay.." Aking lintanya, tipid akong ngumiti at humugot ng malalim na hininga.

Hinalikan ko ang lapida, pagkatapos ay tinalikoran na ito at nagsimulang maglakad patungo sa aking sasakyan. Napagpasyahan kong dumirityo na sa St. Luke Hospital, hindi pa ako nakakasakay ng aking sasakyan ay biglang tumunog ang aking cellphone sa bulsa ng aking bag na dala.

Nakita ko ang pangalan ni Reign sa screen kaya agad kong sinagot ang kaniyang tawag.

[Gaga! Nasaan kana ba?! Alam mo bang galit na galit si Doc Timothy dahil sa mga ginawa mo?! Pumunta kana rito at hinahanap ka niya sa'min!] Direkta at walang preno niyang sinabi, hindi niya pa iyon natatapos ay agad ko ng inilayo ang cellphone sa aking taenga dahil sa lakas ng kaniyang boses.

"Calm down, okay? Pabalik na 'ko, at pakisabi taas noo ko siyang haharapin!" Seryoso at maldita kong sinabi, hindi ko na hinintay ang kaniyang sagot sa halip ay in-end na ang call.

Sumakay ako sa aking sasakyan at mabilis iyong pinaandar patungo sa St. Luke Hospital, ilang minuto lang ang lumipas nang sa wakas ay nakarating din ako. Ipinarada ko ang aking sasakyan sa parking area sa labas ng Hospital dahil tinatamad na 'kong pumasok pa sa Parking lot nito. Taas noo akong bumaba ng aking sasakyan at animo'y naglalakad na modelo patungo sa opisina ng Chariman.

Binati ako ng bawat taong madadaanan ko, tanging pagtango lamang ang aking itinugon sa kanila. Nang magbukas ang elevator na siyang sinakyan ko patungo sa palapag ng opisina ay agad akong lumabas at muling naglakad, hindi ko inaasahang makakasalubong ko si Axel. Hindi ko siya pinansin sa halip ay lumapit sa pinto upang buksan ang seradorang iyon ngunit hindi ko inaasahang sabay namin iyong gagawin kaya naman nahawakan niya ang aking kamay, napalunok ako.

Agad niyang kinuha ang kaniyang kamay na nakapatong sa akin, sininyasan niya akong ako na lang ang magbukas kaya naman hindi na ako nagaksaya pa ng oras sa halip ay tuloyan ng pinihit ang seradora. Nang makapasok ay ramdam ko agad ang kaniyang presensya sa aking likoran, nadatnan kong nakaupo si Chairman sa kaniyang sariling silya at katabi nito ang kaniyang anak na si Doc Timothy.

"Mabuti naman at nandito kana, Doc Stacey!" Iyon agad ang bungad niya sa akin, yumuko lang ako ng panandalian bilang paggalang.

"Ano bang kasalanan ni Stacey at pati ako ay pinatawag ninyo, Dad?" Sabat ni Axel, hindi ko siya nilingon sa halip ay nakinig lang.

"Akala ko pa naman kapag dito ka nagtrabaho ay mas magiging maganda ang takbo ng Hospital, Doctora.. Nabibigyan ako ng dahilan upang madismaya sa 'yo, alam kong responsibilidad mo ang mga pasyenteng nangangailangan ng tulong ngunit may protocols ang Hospital na ito!" Lintanya ng chairman, nanatili akong nakatingin sa kanila ng seryoso. Hinihintay ang susunod nilang sasabihin.

"Labas sa batas ng Hospital na ito ang magtrabaho sa Branch, lalo pa't hindi ka naman namin nilipat doon! Labag sa batas ng Hospital na ito ang isang Unregistered Doctor!" Inis na turan ni Doc Timothy, itinuon ko sa kaniya ang aking buong atensyon.

THE DOCTOR'S REVENGE Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin