25

14 5 0
                                    


NANG sandaling sumikat ang araw ay sinimulan ko na ang aking pagtatrabaho. Tahimik ang buong paligid kaya napagpasyahan kong tumambay sa E.R, ito ang unang araw ko kaya naman wala akong pasyente.

Napansin kong abala ang lahat, kapag nakikita nila ako ay agad nila akong binabati. Kumpara sa Main Hospital ay mas magalang sila sa akin, dahil alam nilang ako ang anak ng Great Surgeon noon. Bigo man akong makuha ang title na iyon ay ayos lang sa akin, dahil hindi naman big deal sa akin kung si Axel ang kinikilala nilang ganon. Tunay na karapat-dapat siyang tawaging ganon sapagkat pinatunayan niya iyon sa lahat, na isa siyang magaling at mabuting Doctor.

Mabuti na lang at hindi niya naman ang ugali ng kaniyang ama. Siguro ay sa kaniyang Ina niya ito namana, nakakalungkot isipin na maging ang kaniyang Ina ay nabiktima rin ng kaniyang walang kwentang ama.

"Good morning, Doc Yoona!" May ngiting bati sa akin ng Nurse, nginitian ko siya't tinangohan.

Ang mga taong narito lang ang nakakaalam kung anong tunay kong pangalan at kung sino talaga ako, maliban sa aking mga kaibigan. Lahat ng taong narito ay nakasama ng aking ama noon sa Main Hospital, mga taong nilipat din dahil sa baluktot na dahilan ng mga Arallia.

"Doc!" Isang sigaw ang aking narinig mula sa likoran, kaya agad ko iyong nilingon.

Napagtanto kong isa iyong 3rd year. Humahangos siyang lumapit sa akin, nanliit ang aking mga mata habang nakatingin sa kaniya.

"Anong nangyari sa 'yo?" I asked. May tinuro siya, sa bandang exit door ng Hospital. Napadako ang aking mga mata nang mapagtanto kung sino ang mga taong naroon.

"Ang presidente! Kailangan niya ng tulong, naaksidente sila ng mga anak niya habang namamasyal. Ito lang ang pinakamalapit na Hospital kaya dito sila pumunta!" Humahangos niyang paliwanag sa akin. Hindi ko siya sinagot sa halip ay agad na nagtungo sa gawi ng President.

Napaamang ako nang makitang sugatan ang kaniyang kambal na anak habang nakahiga ang mga ito sa stretcher, habang siya naman ay sugatan at humihikbi.

"Dalhin natin sila sa emergency room!" Anang ko, agad akong tinangohan ng mga Nurses. Tinulak nila ang dalawang stretcher patungo sa E.R, agad kong binalingan ng tingin ang President.

"Halika, kailangan po nating linisin ang mga sugat mo." Magalang kong sabi, agad siyang tumango.

"Please save my twins.. I am willing to spend a lot as long as you do everything you can, and i will do everything you want as long as they are preserved.." Luhaang turan niya. Agad ko siyang tinangohan, inalalayan ko siyang maglakad hanggang sa makarating kami ng E.R

Nang sandaling makapasok kami ay nadatnan kong narito na sina Doc Tommy at Doc Mateo, tinitignan ang kalagayan ng kambal. Agad nila kaming nilingon nang maramdaman nila ang aming presensya.

"President!" Alalang tawag ni Doc Tommy, agad siyang lumapit sa amin. Tinulongan niya akong alalayan si President hanggang sa makaupo siya sa dulo ng higaan.

"Nurse pakilinisan ang sugat ng President!" Nang sabihin iyon ni Doc Mateo ay agad siyang sinunod ng nurse.

Gamit ang aking stethoscope na binigay ni Daddy ay chineck ko ang paghinga ng President. Matapos kong gawin iyon ay binalingan ko ng tingin si Doc Tommy.

"Hindi maganda ang paghinga niya, kailangan niyang matignan. Ngunit sa tingin ko hindi naman ganon kalala, marami lang siyang sugat na natamo." Sabi ko, tumango sila.

Binalingan ko ng tingin ang kambal na ngayon ay inaasikaso na ng ibang Doctor. Humugot ako ng malalim na hininga at lumapit sa kanilang gawi, rinig ko ang paalam ni Doc Tommy sa President upang tignan rin ang kalagayan ng kambal.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now