35

19 2 0
                                    

"Talagang napagod siya sa kakalaro.." Nakangiting turan ko habang pinagmamasdan si Khalil, na siyang marahang inihiga ni Axel sa kama nito.

Pagkatapos ang mga rebelasyon ay umuwi kaming dalawa sa bahay niya upang mas makapagusap ng maayos at makita si Khalil.

Inayos niya ang kumot ng bata at pinatay ang lampshade. Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga pagkatapos ay nilingon ako, isang malapad na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi.

"Thankyou, Yoona. Thankyou kasi binigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon.." Nakangiting sabi niya, dahilan ng aking pagngiti.

Tinangohan ko siya at nauna akong lumabas ng kwarto ni Khalil, naramdaman ko agad ang pagsunod niya sa akin. Nagtungo ako sa sala at umupo sa couch, gano'n din siya at tumabi sa akin. Nakangiti akong sumandal sa kaniyang balikat at ramdam ko ang pagakbay ng kaniyang isang kamay sa akin.

"Wala ka naman talagang kasalanan, e.. Labas ka sa away namin ng iyong ama. Kaya lang, no'ng mga panahong nagkaroon tayo ng problema kasabay no'n ang paglabas ng buong katotohanan.. Nasaktan ako, Axel. Nasaktan ako, umabot sa puntong wala akong pinakinggan kun 'di ang aking sarili lang. Nagsabay-sabay ang lahat ng sakit, masyado akong naapektohan at hindi ko alam kung paano bumangon.." Aking lintanya, ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata at narinig ko ang kaniyang mabigat na paghinga. "Pinilit kong kalimotan.. Pinilit kitang kalimotan, nang sa gano'n ay hindi na madagdagan pa ang sakit na aking nararamdaman.. Kaya lang, nabigo akong gawin 'yon. Akala ko, akala ko kaya ko, dahil inisip kong kalabanin ka dahil hindi malabong pumagitna ka sa 'min ng daddy mo.. Ngunit hindi ko nagawa, mas lamang ang pagmamahal ko sa'yo at alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng isang ama.." Tuloyan na ngang tumulo ang aking mga luha. Mariin ko itong pinahid ngunit patuloy pa rin ito sa pagagos, mas isiniksik ko ang aking ulo sa kaniya.

"Naiintindihan kita, Yoona.. I'm sorry, dahil wala ako no'ng mga panahong kailangan mo ako.. I'm sorry, kung ibang tao ang pinaniwalaan ko.. I'm sorry, kung nasaktan kita.. I'm sorry.." Aniya, narinig ko ang kaniyang paghikbi. Mahina akong natawa at nagangat ng tingin sa kaniya.

"Tapos na, Axel. Sinabi ko na sa 'yo na wala kang kasalanan.. Napagtanto ko na may pagkakamali rin ako, pagkakamali na pwede ko pang itama ngayon kasama ka, kasama si Khalil.. I don't wanna live on the past anymore. I'll cherish the present and be prepared for our future as a family with our kids." Isang malapad na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi nang sabihin ko iyon sa kaniya, medyo nagulat pa ako nang bigla niya akong sunggaban ng halik.

Agad kong tinugonan ang kaniyang bawat halik sa akim, mga halik na hinding-hindi ako magsasawang maramdaman. Napakagaan ng aking pakiramdam, lalo na't kasama ko si Khalil at lalo na ang lalakeng ito. Ang taong nagbigay sa akin ng dahilan para magpatuloy, ang taong nagbigay sa akin ng bagong pag-asa para baguhin ang aking mga adhikain sa buhay.

Mahal ko siya. Mahal na mahal..

Nagpatuloy ang matamis naming halikan. Walang bumitaw sa amin at mas lumalim pa iyon, naramdaman ko ang paghawak niya sa aking likod at paghaplos nito. Dahan-dahan kaming tumayo at naglakad, hindi pa rin niya ako binibitawan. Nang sandaling humiwalay siya sa akin ay napagtanto kong nakarating na pala kami sa tapat ng kaniyang kwarto, sunod-sunod ang aming paghinga at parehong nakatingin sa isa't-isa.

"Are you sure you want to do this?" Napakaseryosong aniya, malapad ko siyang nginitian at tinangohan. "You can't leave again, Yoona. You're mine, and no one, not even my father, can stop our devotion." Muli siyang nagsalita, at iyon ang matatamis na katagang binitawan niya.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now