29

12 4 0
                                    


Kasalukoyang narito ako sa aking opisina nang tumawag sa akin si Axel. Alas sais na rin kaya napagpasyahan kong lumabas na ng aking opisina, nasalubong ko ang nurse na siyang nagbabantay sa aming pasyente ni Doc Mateo, ang kambal.

"Kapag may problema tawagan mo ako, ah?" May ngiting sabi ko sa kaniya, na siyang ikinatango niya naman. Muli akong naglakad at si Doc Tommy naman ang aking nakasalubong.

"Saan ang punta mo? Huwag mong sabihin sa 'kin na pupunta kapa ng syudad para lang umuwi, 'diba sabi ko sa 'yo sa bahay ka na lang tumira upang hindi ka mahirapan.." Aniya, isang malapad na ngiti ang siyang pinakawalan ko.

"Hindi po ako uuwi. May pupuntahan po ako, na sigurado akong makakatulong din sa 'tin.." Sagot ko, nanliit ang kaniyang mga mata. Humalakhak siya ngunit sapat lang upang kaming dalawa lang ang makarinig.

"Ikaw talagang bata ka.. Sige na, magiingat ka ah.." Muli ko siyang nginitian at tinangohan, naglakad na siya patungo sa ICU at ako naman ay tumalikod na.

Naglakad ako patungo sa labas ng Hospital, agad kong nakita ang sasakyan ni Axel sa bandang gilid. Nangunot ang aking mga mata nang makitang nakasandal siya sa harap ng kaniyang sasakyan habang naka cross arm at nakapikit ang kaniyang mga mata.

Mahina akong natawa. Napailing-iling na lang ako at nagsimula na muling maglakad, patungo sa kaniyang gawi.

"Pwede naman nating i-move ang paguusap na'tin, halatang pagod ka kasi.." Saad ko, dahilan kung bakit bigla siyang napamulat ng kaniyang mga mata.

Nagpansin ko pa ang paglunok niya, lihim akong napangiti.

"Hindi ako inaantok.. May naisip lang ako." Napayuko ako saglit, dahil pakiramdam ko ay hindi ko mapipigilan ang aking pagngiti.

Tumikhim ako at muli siyang tinignan. "Okay, so let's go?" Saad ko, tinangohan niya ako at pinagbuksan niya ako ng pinto.

Pumasok ako sa loob at siya ang nagsara ng pinto. Pagkatapos ay umikot na siya upang pumasok na rin, umupo siya sa driver's seat. Sinimulan niya ng buhayin ang makina at pinaandar na ito, hanggang sa umabot kami ng highway.

"Malapit na ang christmas, balak ko sanang ayain ka dahil alam kong matutuwa si Khalil kapag kasama ka niya sa araw na 'yon.." Ibinaling ko ang aking paningin kay Axel nang marinig iyon sa kaniya, na kanina lang ay nasa daan.

Tinangohan ko siya at tipid akong ngumiti. "Pupunta ako.." Sagot ko, ngunit hindi siya nagsalita sa halip ay tumango lang.

Ilang minuto rin ang lumipas. Matapos ang usapan iyon ay hindi na kami muling nagusap. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay nila, nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako.

"Salamat." Sabi ko, hindi niya ako sinagot sa halip ay naglakad na siya papasok sa loob.

"Khalil! Nandito na si Daddy!" Sigaw niya, na siyang ikinangiti ko. Biglang bumukas ang pinto ng isang kwarto.

Napangiti ako ng makita si Khalil, tumakbo siya sa gawi namin. Agad niyang niyakap si Axel, ngunit dahil matangkad ang lalake ay hanggang tuhod lamang siya.

Ang cute nilang tignan.

"Nandito rin ako!" May ngiting sabi ko, dahilan kung bakit sila napalingon sa akin. Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Khalil.

Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako, medyo nagulat ako pero agad kong ginantihan ang kaniyang yakap.

"Kumain na muna tayo, bago tayo magusap.." Sabat ni Axel, kumalas ako sa pagkakayakap kay Khalil at binalingan siya ng tingin. I just nodded.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now