7

23 5 0
                                    

"I love you more.."

Ngiting sabi niya nang maghiwalay ang aming mga labi. Pinahid ko ang mga luhang patuloy na umaagos sa kaniyang pisngi.

Mahina akong natawa.

"Bakit ka umiiyak?"

Ngumisi siya.

"Hindi lang ako makapaniwalang mahal mo na rin ako." He answered.

“I don't know when it started but I realized that I love you too." I commented.

Agad niya akong niyakap na siyang ginantihan ko naman.

Handa na akong magmahal. Handa akong masaktan. Handa akong kalimotan ang lahat ng nangyari. Ngunit sa panandaliang panahon lang. Sa ngayon, hahayaan ko ang aking sarili na maging masaya at maramdaman ang ganitong klase ng pagmamahal.

KINABUKASAN ay isang bosina ng sasakyan ang aming narinig nina Nay Merced at Tay Nestor mula sa labas ng bahay.

"Sino iyon? kay aga-aga.

Hindi ko sinagot ang sinabi ni Tatay sa halip ay naglakad patungo sa labas. Napaawang ang aking labi nang mapagtanto ko kung sino ang may-ari ng sasakyang nasa harap ng bahay namin ngayon.

Agad siyang lumapit sa akin at hinalikan ang aking noo, na siyang ikinangiti ko.

“Good morning.” Ngiting bati niya.

Tinangohan ko siya at inayang pumasok sa loob.

“Upo ka.” Sabi ko na agad niyang sinunod.

"Good morning po, Tay Nestor." Bati niya kay tatay nang makalabas ito sa kusina.

Agad na sumunod si Nanay. Bakas ang gulat sa kaniyang mukha nang makita si Axel. Tumayo si Axel at lumapit sa kaniya upang bumeso.

“Magandang umaga po, Nay." Magalang na bati niya rito.

Sumilay ang malapad na ngiti sa labi nina Nay Merced at Tay Nestor.

"Magandang umaga din sa iyo, anong sadya mo at napakaaga mo naman iho?"

Nginitian ni Axel si Nanay. Bumalik siya sa pagkakaupo nang maupo sina Nanay.

"Kung okay lang po sa inyo, ako na po ang maghahatid at magsusundo kay Yoona."

Gaya ng inaasahan ko ay nagulat silang dalawa sa huling sinabi ni Axel, kung saan sinabi niya ang tunay kong pangalan.

Tumikhim si Tay Nestor at pareho nila akong binalingan ng tingin.

I sighed.

“Siya po 'yong batang nakilala ko noon sa St. Luke Hospital, halos magkasabay na namatay si Daddy at ang mommy niya.”

Agad na napahawak si Nay Merced sa kaniyang bibig, habang si Tay Nestor naman ay napabuntong hininga.

“Pasensya na, hindi ko alam, iho.” paumanhin niya kay Axel.

Axel just nodded.

“Ayos lang po.” He answered.

"Nakadepende iyan sa anak namin, ngunit kung ako ang tatanongin mo payag ako." Sagot ni Tay Nestor sa sinabi niya kanina.

Pareho kaming napangiti dahil don. Naglakad ako upang lumapit sa gawi ni Axel, tumabi ako sa kaniya sa upoan at hinarap sina Nay Merced at Tay Nestor.

“Nay, Tay. Si Axel po, boyfriend ko.”

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now