10

33 5 0
                                    

Kinabukasan ay nagtungo ako sa mall, hindi ko na inaya si reign dahil alam kong lalabas din sila ni Jihyun ngayon lalo pa't walang pasok, ayoko ring makadisturbo sa kanila.

Kung nandito lang sana si Axel ay marahil magkasama kaming apat ngayon habang namamasyal. Miss ko na siya agad at gusto ko na siyang makita ulit, kaso ayokong magalit na naman ang daddy niya sa kanya nang dahil sa akin.

Gusto kong makilala ang daddy niya, I want to prove myself that even though I'm not the girl that fits on his standards, I'm still well-grounded.

Nagtext si Axel sa akin kagabi at kaninang umaga. Kinakamusta niya ako at paulit-ulit siyang humingi ng pasensya sa akin dahil kaagad niyang na end ang call kahapon. Dahil don ay gumaan ang pakiramdam ko, dahil kahit hindi ko man hilingin ay binigyan niya ako ng paliwanag.

"Stacey.."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nangunot agad aking noo nang mapagtantong si Lance ito, agad rin akong tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.

"Stacey, sandali lang!" Napatigil ako sa paglalakad nang sandaling higitin niya ang aking braso.

Tinaasan ko siya ng kilay at binalingan ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Tumikhim siya at agad iyong inalis, humugot ako ng hininga upang kalmahin ang aking sarili.

Galit ako sa kaniya dahil sa ginawa at sa mga sinabi niya kay Axel.

"Gusto kong humingi ng pasensya, lalo na kay Axel. I'm really sorry, Stacey.." Bakas ang sinsiredad sa kaniyang tinig. I sighed.

"Wala na sa akin 'yon, huwag mo na lang uulitin." Mahinahon ngunit seryosong turan ko. Tinangohan niya ako't nginitian.

"Nasan pala si Axel? May ibibigay sana ako sa kaniya, e." Aniya. Nanliit ang aking mga mata dahil sa narinig, ano naman ang ibibigay niya?

"Nasa Australia siya ngayon, ano bang ibibigay mo sa kaniya? Importante ba?" I asked.

"Medyo, may ibibigay kasi akong files sa kaniya."

"Ako na lang ang magbibigay, nasan ba?"

Agad na sumilay ang ngiti sa kaniyang labi at tinangohan ako.

"Nasa bahay, e. Kung gusto mo daanan mo na lang tapos, ihahatid na kita sa inyo.." He stated. Hindi agad ako nakasagot.

Wala namang masama kung sasama ako sa kaniya 'diba? Saka, humingi na siya ng pasensya at ramdam kong sinsiro siya sa kaninang sinabi. Sa tingin ko ay importante din ang files na iyon dahil magkasusyo ang pamilya niya at ang daddy ni Axel sa negosyo.

"Relax, wala naman akong masamang intensyon." Mahina siyang tumawa. Tinangohan ko siya't tipid na ngumiti.

"Sige." Pagsang-ayon ko.

Tulad ng usapan ay sumama ako sa kaniya. Kasalukoyang nagmamaneho siya at naka-focus ang kaniyang atensyon sa daan, ganon din ako. Nabasag lang ang katahimikan nang magsalita siya, saglit niya akong tinaponan ng tingin.

"Alam mo, swerte si Axel sa'yo. Sayang at sa kanya ka napunta at hindi sa akin." Aniya.

Agad ko siyang nilingon at humugot ng hininga. "Lance.."

"Just kidding." He answered. Napailing na lang ako't itinuon ang paningin sa daan.

Hindi naman ako nakikipagbiroan sa kaniya. Tama bang sumama ako sa kaniya?

"Again, I'm sorry." Hindi ko siya nilingon sa halip ay tumango lang bilang pagsagot ko.

Isa lang naman ang dahilan kung bakit ako sumama sa kaniya. Once na makuha ko na ang files ay aalis na ako agad, ayokong may makakita sa amin. Baka umabot pa iyon kay Axel at kung anong isipin niya, hindi ko gustong nagseselos siya.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now