15

28 5 0
                                    

"Yoona!!" Napaawang ang aking mga labi nang salubongin ako ni Louxiereign nang makalabas ako ng airport.

Hindi lang siya ang sumalubong sa akin dahil kasama niya sina Jihyun at si Lance na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin. Tinanggal ko ang black shades na aking suot at isinabit iyon sa kwelyo ng suot kong puting polo. Hindi ko inaasahang hindi nila susundin ang aking sinabi. Gano'n sila ka-excited na makita ako, kaya hindi na sila nakapaghintay pa. Agad akong niyakap ni Reign, na siyang ginantihan ko.

Mahina akong natawa. "Sabi ko huwag niyo na akong sundoin, e."

"Pwede ba 'yon? Hindi makapagtiis 'tong dalawa, e." Natatawang sagot ni Jihyun sa aking sinabi, napailing na lamang ako.

Kumalas si Reign sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang sa aking paanan. Maging si Lance ay gano'n din, dahilan kung bakit nangunot ang aking noo.

"Woah.. Y-you look so perfect, Yoona." Lance commented.

"Ang ganda-ganda mo! Mas tumangkad ka rin, iba talaga ang bestfriend ko!" Dugtong ni Reign sa sinabi ni Lance, habang si Jihyun ay nakangiti lang kaming pinagmamasdan.

"Tch. Pagod ako, mamaya na tayo magkuwentohan!" I stated, agad nila akong tinangohan. Inilahad ni Lance ang kaniyang kamay, animo'y isa siyang guard na bibigyan ako ng epasyo upang makadaan.

"This way, Doctora." Pare-pareho kaming tumawa nang sabihin niya iyon. Napaling na lamang ako, nagsimula na rin kaming maglakad patungo sa kanilang dalang sasakyan.

Tinulongan ako nina Lance at Jihyun sa aking mga dalang maleta, dalawa lang naman iyon. Habang si Reign ay nakahawak sa aking braso at nakasandal ang kaniyang ulo sa aking balikat.

"Subrang namiss kita! Ang ganda mo talaga, mas lalo pa iyong nadagdagan ngayon." Masayang turan niya, na siyang ikinangiti ko.

"Alam kong maganda ako. Maganda ka rin naman, sa katunayan nga halos hindi kita nakilala. Nakita na kita kanina pero hindi ko inisip na ikaw pala 'yon, masyadong malaki ang pinagbago mo, height lang ang hindi." Mahina niyang hinampas ang aking braso, she pouted her lips.

"Oh, sige na. Ikaw na ang matangkad, pero namiss talaga kita!" Muli siyang yumapos sa aking braso, mahina akong natawa.

Oo nga't may nagbago sa kaniya, ngunit hindi ang kaniyang ugali. Mas lalo siyang gumanda, tumangkad siya ng kaunti ngunit hindi katulad nang sa akin. Masaya rin ako dahil nakikita kong walang pinagbago sa relasyon nila ni Jihyun, nakikita kong mahal pa rin nila ang isa't-isa.

Uri ng pagmamahal na hindi para sa akin.

Nang makarating kami sa tapat ng kotche ay sumakay ako sa passenger's seat. Si Reign naman ay naupo sa tabi ng nobyo, na siyang katabi ng Driver's Seat. Matapos na ilagay ni Lance ang aking mga dala sa compartment ay sumakay na rin siya at naupo sa aking tabi. Sinimulan nang buhayin ni Jihyun ang makina ng sasakyan at pinaandar na ito.

"By the way, bakit mo pala naisipang umuwi? Akala ko hindi kana babalik dito, e. Kami na sana ang bibisita sa inyo nina Nay Merced." Hindi ko nilingon si Lance sa halip ay tipid siyang nginitian, masiyadong akong abala sa pagtingin ng bawat daraanan namin. Kayrami ng nagbago.

"Gusto kong magtrabaho sa St. Luke Hospital." I answered. Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga kaya binalingan ko siya ng tingin.

"Pero 'diba nando'n si Axel?" I knew it, alam kong ito ang sasabihin niya.

Abala sa pagmamaneho si Jihyun ngunit tiyak akong nakikinig siya sa amin, ganon na din ang kaniyang nobya.

"So? He wasn't the one I went there for, it's been my dream to work in that hospital since then." Simpleng sagot ko.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now