18

18 5 0
                                    

"Yow! Mabuti naman at nakapunta ka." Iyon agad ang bungad sa akin ni Lance, lumapit ako sa kaniya upang bumeso. Medyo malakas ang togtog ng musika kaya kinailangan niya pang mas lakasan ang boses niya para marinig ko.

Nginitian ko siya. "Gusto kong magpahinga. Saka, hindi natuloy ang pagpunta ko dito dahil inasikaso ko ang documents ko sa St. Luke." Saad ko, umupo kami nina Reign at Jihyun.

"Kamusta, nagkita na ka'yo?" Umupo si Lance sa aking tabi, habang kaharap naman namin sina Reign. Kumuha ako ng maiinom at nilingon siya, tumango ako. Humugot siya ng hininga at tipid na ngumiti.

"Ay na'ko, Lance! Bakit hindi mo na lang patayin ang togtog mo? Kumanta na lang tayo, total ay tayo-tayo lang naman ang nandito." Sabat ni Reign, na siyang ikinangiti ko. Binalingan siya ng tingin ni Lance, tinangohan niya ito.

"Sige po, madam. Heto na at magkakantahan na tayo." Parang katulong niyang sabi kay Reign, humalakhak sila.

Napailing na lang ako't ininom ang hawak kong wine. Nalasahan ko agad tapang niyon kaya saglit akong napapikit, hindi ko dapat hayaan ang sarili kong malasing dahil may pasyente pa ako.

"Dude! Mabuti naman at pumunta ka. Oh hi, Mavis!" Rinig kong turan ni Jihyun, sinundan ko ang kaniyang tingin. Napagtanto kong si Axel ang kaharap niya at may kasama itong babae.

Sa tingin ko ay magkasing-tangkad lang kami ng babae. Mahaba rin ang kaniyang buhok at mahahalata mong bagong rebond iyon dahil sa subrang pagka-straight nito. Malakas ang dating niya at napakaganda niya. Halatang anak mayaman, halatang professional.

Kusang bumaba ang aking tingin sa kaniyang kamay na ngayon ay nakakapit sa braso ni Axel, nanliit ang aking mga mata dahil do'n. Agad akong nagiwas ng tingin at nilingon si Reign, nginitian niya ako na animo'y nag peace sign.

Lumapit siya at tumabi sa akin dahil hindi pa naman bumalik si Lance. "Siya ang fiance ni Axel, si Mavis Vermillion. Pamangkin siya ng Presidente ng Pilipinas, ipinagkasundo silang dalawa ni Axel." Mahina, ngunit sakto lang para marinig ko ang sinabi niyang iyong sa akin.

Muli kong itinuon ang aking paningin sa gawi nina Axel. Nakangiti ito habang kausap ang kaniyang pinsan, ganon na din ang babaeng kasama niya na si Mavis kuno.

"Hindi ako iinom, naisip ko lang na baka magtampo ka'yo ng girlfriend mo kapag hindi ako ulit dumalo." Turan ni Axel kay Jihyun, na siyang ikinatawa nilang tatlo.

"Hoy ano ka ba! Mamaya makita ka nilang nakatingin, isipin na nagseselos ka." Muling bulong sa akin ng katabi ko, agad ko siyang nilingon at kinunotan ng aking noo.

"Tumigil ka nga jan." Iyon lang ang sinabi ko, pagkatapos ay muling uminom. Napansin kong palapit si Lance sa gawi namin, dumirityo siya sa gawi nina Axel.

"Hi Doc, mabuti naman at naisipan mong pumunta dito." May ngiting sabi niya kay Axel, binalingan niya ng tingin si Mavis at nginitian niya ito ng malapad. "Hi Mavis! Matagal na tayong hindi nagkita, mabuti naman at sinamahan mo 'tong fiance mo.." Dugtong niya sa kaniyang sinabi.

"Magpakasaya lang ka'yo, pasensya na pero hindi ako iinom." Sagot sa kaniya ni Axel, tumango si Lance.

"Hindi siya iinom dahil babantayan niya ako! Kapag nalasing siya, walang maghahatid sa'kin.." Tumawa si Mavis, na siyang sinabayan naman ni Lance. Ngunit si Axel ay nanatiling seryoso, agad akong nagiwas ng tingin nang sandaling tumingin siya sa aking gawi.

"Oh ano? Sabi ko sa'yo, e." Bulong ni Reign, hindi ko siya sinagot sa halip ay kumuha na lang ng isang hati ng mansanas at kinain iyon.

Tumayo si Reign. "Hi Axel. Hi Mavis! Upo ka'yo.." May ngiting sabi niya dito, sinunod siya nong dalawa at gaya ng kaniyang sinabi ay umupo nga sila, sa mismong harap ko.

THE DOCTOR'S REVENGE Kde žijí příběhy. Začni objevovat