24

18 4 0
                                    


"Handa kana ba, iha?"

Kasalukoyang narito ako sa bahay ni Doc Tommy, nakaupo ako sa kaniyang sofa habang kaharap ang isang repleksyon ng projector.

Humugot ako ng malalim na hininga at tinangohan siya sa kaniyang sinabi. "Handang-handa na po." Sagot ko, na siyang ikinatango niya.

May tinipa siya sa kaniyang laptop at nang sandaling lumayo siya rito ay kita ko sa repleksyon ng projector ang isang video. Naramdaman ko ang pamumuo ng aking mga luha nang sandaling makita ko sa screen ang ityura ni Daddy, habang nakahiga sa table.

"Mabuti na lang talaga malakas si Doc Krix.. Talagang lumalaban rin siya.." Sabi ng Doctor, ang Doctor na nagsabi sa akin noon na magiging okay ang lahat ngunit napako ang kaniyang sinaad.

"Siya si Doc Jan. Senior niya ang daddy mo noon, napakabait niya at magalang sa iyong ama.." Komento ni Doc Tommy. Hindi ko siya sinagot sa halip ay inabala ang aking sarili sa panonood.

"Idolo ko talaga si Doc Krix! Kapag naging Senior na ako ay magiging mabuting Doctor din ako.." Masayang turan ng isang Doctor, na siyang nag-assist kay Doc Jan.

"Cut." Agad na sinunod ng taga-assist ang sinabing iyon ni Doc Jan.

"At ang Doctor na iyan ang pamangkin ko. Kaya lang matagay na siyang patay.." Saad ni Doc Tommy, saglit ko siyang nilingon.

Makikita sa video na ayos naman ang lahat, wala akong nakikitang mali sa kanilang ginagawa dahil maayos naman ang pagkaka-opera nila sa aking ama.

"Alam niyo, sa tingin ko may papalit na kay Doc Krix. Hindi ngayon ngunit sa kasalukoyan, nakita niyo ba ang anak niyang babae kanina? Senior Highschool pa lang iyon ngunit marami ng alam sa medisina.." May ngiting puri ni Doc Jan. Hindi ko pinansin ang sinabi niyang iyong tungkol sa akin, pare-pareho silang napalingon sa pintoan nang bigla iyong magbukas.

"Doc Timothy, what are you doing here?" Nanliit ang aking mga mata. Mas inabala ko ang aking sarili sa panonood, at gaya ko ay nag-focus na rin si Doc Tommy.

"Hindi siya dapat mabuhay.." Napadako ang aking mga nang sandaling marinig ko ang sinabing iyon ni Doc Timothy sa video.

"Hindi nga ako nagkamali! Simula pa lang ay alam ko ng may kinalaman siya sa pagkamatay ng iyong ama!" Asik ni Doc Tommy, ngunit hindi ko pa rin siya pinansin dahil gusto kong makita ang sunod na mga nangyari.

"W-what? Ano bang sinasabi mo jan, Doc Timothy?! Hindi pwedeng mamatay si Doc Krix! Lalo pa't hindi naman ganon kalala ang kaniyang kondisyon!" Singhal ni Doc Jan, ramdam ko ang sunod-sunod na pagtulo ng aking mga luha.

"Hindi siya dapat mabuhay! Hindi! Alam niyo ba kung bakit? Dahil inagaw niya sa akin ang lahat! Sa kaniya ipapamana ni Papa ang Hospital na ito at maging ang babaeng mahal ko ay kinuha niya rin sa akin noon! Kaya hindi ako makakapayag na pati ang pamana ng aking ama ay sa kaniya rin mapupunta!"

Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Napatayo ako at mas lumapit sa repleksyon ng projector.

"Mawalang galang na ho, Doc Timothy! Hindi ka'yo ang dapat na magdesisyon sa buhay ng Senior ko.. Nararapat lang sa kaniya iyon dahil pinatunayan niya iyon sa ating lahat! 'Di hamak na mas magaling at mabuting Doctor ang aking Senior kaysa sa 'yo!" Bakas sa boses ni Doc Jan ang galit habang sinasabi niya iyon, tumaas na rin ang kaniyang boses.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now