26

12 5 0
                                    


"Axel!" Narinig kong tawag sa akin ni Yoona, huminto ako sa aking paglalakad at nilingon siya. Tipid siyang ngumiti, hindi pilit.

Lumapit siya sa akin. "Gusto ko lang mag thankyou dahil sa pagtulong sa 'kin. Hindi mo na dapat ginawa 'yon dahil alam kong hindi iyon magugustohan ng daddy mo." Kaniyang lintanya. Napayuko ako saglit, tinangohan ko siya.

Hindi naman masama kung makikipagusap ako ng maayos sa kaniya.

"Obligasyon ko bilang Doctor 'yon. Huwag kang magpasalamat dahil hindi ko iyon ginawa para sa 'yo, Kun 'di para sa batang iyon. Naalala ko si Khalil nang makita ko ang sitwasyon ng batang iyon." Sagot ko. Isang malapad na ngiti ang pinakawalan niya sa kaniyang mga labi, ngiting hindi ko nakita sa lumipas na mga taon.

Napalunok ako. Agad akong nagiwas ng tingin dahil iba agad ang aking naramdaman, at ayokong maulit ang pakiramdam na iyon.

"Kapag kinailangan mo ng tulong, nandito lang ako.. Magiingat ka sa paguwi mo." Aniya. Tango lamang ang siyang sinagot ko sa kaniya, matapos no'n ay tumalikod na ako at nagsimula muling maglakad.

Nakakailang. Tila'y wala kaming pinagsamahan noon sa inaasta niya, animo'y ngayon niya lang ako unang nakilala. Talagang kinalimotan niya na ang lahat, maging ang pagmamahal na ipinaramdam niya sa akin noon.

I breathed sharply. When I arrived in front of my car, I got in and headed straight to St. Luke Hospital, knowing that Dad and Lolo were waiting for me. Sa lumipas na mga minuto ay sa wakas nakarating na 'ko, agad kong ipinarada sa parking area ang aking kotche at nang makababa ay dirityo akong pumasok sa loob patungo sa opisina ng Chairman.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pinihit ang seradora, nang tuloyan ko na itong nabuksan ay pumasok na ako. Gaya ng aking inaasahan, galit ang siyang nakikita kong reaksyon ngayon sa kanilang dalawa. Lumapit ako sa kanilang gawi, magsasalita na sana ako ngunit hindi ko inaasahang lalapat ang kamay ni Dad sa aking kaliwang pisngi, sinampal niya ako.

I swallowed hard.

"Pinadala kita sa pisting hospital na iyon dahil akala ko pa naman ay makukumbinsi mo ang bastos na Doctorang iyon! Ngunit hindi ko akalaing ikaw pa ang maga-assist sa kaniya sa walang kwentang babaeng iyon!" Singhal niya. Nang marinig ko ang kaniyang huling sinabi ay agad ko siyang binalingan ng tingin.

Nakaramdam ako ng inis dahil do'n. "Hindi totoo 'yan! May kwenta si Stacey!" Sagot ko. Napatayo si Lolo at nilapitan ako.

"Sinasabi ko na nga ba! May nararamdaman ka pa rin sa babaeng iyon!" Singhal niya sa akin. Sunod-sunod na paghinga aking pinakawalan at ramdam ko ang bumabalot na galit sa akin ngayon.

"Oo! Mahal ko siya! Kailanman ay hindi nawala 'yon! Ngunit dahil sa pangengealam ninyo sa amin noon iniwan niya ako! Napakarami kong pagkakamali sa kaniya dahil sa inyo, Dad.. Lo.." Sa pagkakataong iyon ay si Lolo na mismo ang sumampal sa akin.

"Tinanggap ko ang desisyon mong magkaanak kahit na hindi namin iyon gusto! Ngunit hindi ibig sabihin no'n na maaari mo ng gawin ang mga gusto mo, simula pa lang ay hindi na namin gusto ang babaeng 'yon.. Bakit ba ang hirap para sa 'yo na tanggapin iyon?!" Sabat ni Dad, saglit kong dinilaan ang aking pangibabang labi.

I chuckled, sacrastically. "Hinayaan ko lang na gawin niyo ang mga bagay na hindi ko naman gusto noon, ngunit sa pagkakataong ito hindi na 'ko makakapayag na gawin niyo akong sunod-sunoran! Itakwil niyo man ako sa Hospital na ito at kunin niyo man ang lisensya ko bilang isang Doctor ay babangon at babangon pa rin ako!" Tila'y nailabas ko lahat ang aking hinanakit sa kanila sa mga sandaling iyon, matinding galit ang siyang nararamdaman ko ngayon.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now