16

28 5 0
                                    

"Bakit niyo ho ako pinatawag, President?" Iyon agad ang bungad ko, nang makapasok ako ng opisina ni Lolo. Inilapag niya ang kaniyang hawak na diyaryo at nagangat ng tingin.

Humugot siya ng hininga. "Have you heard that Doc Milkovich is going to work here?" Tanong niya, gaya ng inaasahan ko.

Tipid akong ngumiti at tinangohan siya. "yes."

"Stacey Milkovich is a good Doctor in Switzerland. Nalaman kong siya din ang nag-opera sa kaibigan kong Director. Kung alam ko lang na may ibubuga siya ay hinayaan ko na lang sana ang relasyon ninyo." Prente siyang nakaupo habang direktang nakatingin sa akin, hindi ko siya sinagot sa halip ay nilabanan ang kaniyang tingin.

"Today is her first visit here, and there will be a meeting later. I want you to be there, Doctor Arallia." Dugtong niya sa kaniyang sinabi. Yumuko ako ng panandalian bilang pag-galang at pagsang-ayon sa kaniyang tinuran.

"Kung ganon po, babalik na'ko sa opisina ko." He nodded and so i did. Tinalikoran ko na siya't hinawakan ang seradora ng pintoan. Ngunit napahinto ako nang sandaling marinig ko ang pahabol niya.

"Alam kong may nakaraan ka'yong dalawa, pero umaasa akong hindi nito maaapektohan ang trabaho ninyo." I just nodded. Pinihit ko na ang seradora at tuloyan ng lumabas ng kaniyang opisina, pakla akong ngumiti. Siya lang naman ang nagbabalik ng nakaraan.

I stepped into the elevator and proceeded to the third floor, where my office is located. But then a woman appeared and looked directly at me. I swallowed when I realized it was Yoona Stevenson..

Pakiramdam ko ay sandaling tumigil ang takbo ng oras, at tanging kaming dalawa lang ang nasa loob ng Hospital na ito. Hindi ko magawang alisin ang aking paningin sa kaniya, ni hindi ko na marining ang ingay sa buong Hospital.

Tumangkad siya, ngunit hindi katulad ng sa akin. Mas humaba ang kaniyang buhok at kulot ang mga ito sa dulo, mas kuminis ang kaniyang kutis at mas lalong pumula ang kaniyang labi. Sa mga lumipas na taon ay hindi naglaho ang kagandahan niya sa halip ay mas nadagdagan pa iyon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, ngunit sa mga sandaling ito ay halo-halo na ang nararamdaman ng aking puso. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan o hahayaan na lang, hindi ko alam kung alin doon ang uunahin ko.

Tumikhim siya. "Ah, good morning." Aniya, halatang nahihiya. Napabuntong hininga ako't tinangohan siya. Alam kong nandito na siya, ngunit hindi ko inaasahan na ngayong araw kami magkikitang muli.

Inayos ko ang aking suot na white coat at nilagpasan na siya. Nang makarating ako sa tapat ng aking opisina ay agad akong pumasok. I sat on the Geri Chair in front of my table and took one of my patients' records. Pinilit kong balewalain ang aking nakita at inabala ang aking sarili sa pag check ng record.

Ngunit kahit na anong gawin ko ay paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang kaniyang mukha. Natigil ako sa aking ginagawa at inilapag ang hawak kong record sa lamesa, mariin kong ipinikit ang aking mga mata at inikot ang inuupoan ko. Tumambad sa akin ang mga naglalakihang gusali na nagmula sa labas ng Hospital. Humugot ako ng malalim na hininga at ipinilig ang aking ulo.

"She chose to leave you, Ax. So keep your promise, that you will never go back to her and treat her as if she were a stranger." Seryoso at may diing turan ko. Iminulat ko ang aking mga mata at muling humugot ng malalim na hininga.

"Doc, okay lang po ba ka'yo?" Napalunok ako, agad kong inikot ang aking inuupoan at napagtanto kong kasamahan ko ito. Ang anesthesiologist ng aking team, si Jia.

Saglit kong binasa ang aking pangibabang labi at tinangohan siya. "Yeah, I'm fine."

She nodded. "The surgery will begin in 5 minutes; I just wanted to remind you." Aniya, tinangohan ko siya't tumayo na ako. Hinubad ko ang aking suot na white coat at saglit siyang tinaponan ng tingin.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now