11

24 5 0
                                    

Kinabukasan ay hindi kami nagkita ni Axel, marahil ay abala sila sa pag-aayos ng party. Hindi siya nag text o tumawag man lang sa akin nitong umaga ngunit naiintindihan ko 'yon dahil alam kong bantay siya ng Daddy niya.

Alas kwatro na ng hapon pero wala pa rin si nanay, sinabi niya sa akin kanina na bibili lang siya ng regalo para kay Axel pero ilang oras na siyang wala at hindi pa rin bumabalik.

Naibaling ko ang aking tingin sa bulsa ng suot kong short nang sandaling tumunog ito. Kinuha ko ito at nakita sa screen ang pangalan ni Axel, agad kong sinagot ang kaniyang tawag.

[I'm sorry, Yoona. Sumama ang pakiramdam ko kaya pina-cancel ko muna ang party, nawalan rin ako ng gana.] Iyon agad ang bungad niya sa kabilang linya.

Hindi ko alam ang isasagot ko kaya tumango na lang ako. Ang party nanjan lang naman 'yan, pwede mong gawin kahit na anong araw at oras pero ang kalusogan kailangan mong pagtuonan ng pansin kaya naiintindihan ko siya.

"Ayos lang sa akin, have an early rest okay? Happy Birthday, I love you!" Pinilit kong ngumiti ng hindi pilit.

Iba ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung anong dahilan nito, dahil ba sa hindi ko naman siya makikita o dahil may iba pang dahilan?

[Sorry talaga, babawi ako ulit sa'yo. I love you more, Yoona.]

Napayuko ako saglit at humugot ng malalim na hininga. Tumango ako, kasabay non ang pag-end niya ng call. Hindi ko gustong maramdaman ito, hindi ko gusto ang kirot ng dibdib ko. Gusto ko siyang makita dahil pinangako ko sa kaniyang hindi ako mawawala sa birthday niya pero siya itong hindi tinupad ang salitang binitawan.

Muling akong humugot ng hininga at nagdesisyong lumabas ng bahay. Nakapagdesisyon na'ko, pupunta ako sa kanila at ako na mismo ang magpakilala sa aking sarili. Kailangan kong depensahan ang sarili ko lalo na si Axel, gusto kong patunayan sa kanila na karapat-dapat ako sa kaniya.

Lumabas ako ng bahay at nagpaalam kay tatay. Nang makarating sa labas ay saktong may padaang taxi, kaya agad ko iyong pinarahan. Sumakay ako dito at muli itong pinaandar ng driver.

"Sa fora mall ho tayo manong." Magalang kong sabi na siyang ikinatango niya.

Plano kong bilhan ng birthday cake si Axel, na kahit sa ganong paraan lang ay mapasaya ko siya, mapagaan ko ang nararamdaman niya. Hindi ko pa afford ang dapat na ibibigay ko sa kaniya kaya iyon na lang muna, hindi naman siya materyal na lalake.

Nang makarating kami ay nagbayad na'ko kay manong driver, pagkatapos ay bumaba na ako. Habang naglalakad ay tinawagan ko si Reign, agad iyong nag ring.

[Napatawag ka? Ano sabay ka na sa'min?] Aniya, nang sandaling sagotin niya ang tawag ko.

Nanliit ang aking mga mata. Akala ko ba'y cancel ang party?

"Pwede mo ba akong sundoin dito sa fora mall? Bibili lang ako ng cake para kay Axel, gusto ko siyang i-surprise." I stated. Humalakhak siya, na siyang ikinataka ko.

[Anong surprise? 'Diba alam niyang pupunta ka, bat may pa surprise! Hay, talagang nagbago kana, Stacey. Anlayo mo na sa dating ikaw, ma effort ka na..] Natatawang turan niya.

Napaawang ang aking labi. Hindi ko pinansin ang pagtawa niya dahil masyado akong nilamon ng aking isipan. Hindi ko gusto ang naiisip ko, hindi ko gusto ang nararamdaman ko. Bakit ako nasasaktan?

"W-wala lang.. Gusto ko lang siyang bigyan ng cake, 'yon lang naman ang afford kong regalo." Simpleng sagot ko. Hindi ko pinahalata sa kaniya ang nararamdaman ko.

Nang makarating sa pastry shop ay binuksan ko ang heavy glass door upang pumasok.

[Bes, kahit wala ka namang regalo okay lang kay Axel. Dumalo ka lang sa kaarawan niya, sigurado akong masayang-masaya na siya.] She said, seriously.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now