6

29 7 0
                                    


"Woah.. Para kang isang manika, Stacey!" Reign commented.

Kasalukoyang narito kami sa likod ng stage, kung saan gaganapin ang Ms. St. Luke Coronation Night.

"Simple lang ang gown na suot mo pero subra 'yang kagandahan mo.." dugtong niya sa sinabi.

Mahina akong natawa.

"Maganda ka din, Reign." Nginitian niya ako.

"Sa lahat ng contestant, ikaw lang ata ang makakaagaw ng atensyon ng lahat!"

Napailing na lang ako. Bakas sa kaniya ang pagkamangha habang pinagmamasdan ang kabuoan ng aking ityura.

"Hindi ka sigurado. Maraming mas magandang babae jan kaysa sa'kin."

Ipinilig niya ang kaniyang ulo. Tumabi siya sa akin at direkta akong tinignan sa aking mga mata.

"Hindi. Sigurado ako, na ikaw ang mananalo!" May kompyansang sabi niya. "At kapag nakita ka ni Axel mamaya, sigurado akong maiinlove siya sa'yo!"

Hindi mo lang alam pero nagsisimula na siya.

"Ayan ka na naman, mabuti pa makinig na lang tayo dahil tinatawag na ang mga contestant." I answered.

Agad niya akong tinangohan.

"At ang huli, walang iba kung 'di si Stacey Milkovich! Isang MS4!"

Halos umalingawngaw ang boses na iyon sa buong gymnasium.

Tumayo ako, ganon na din si Reign.

"Omg! Dali, umakyat kana!!"

Tinangohan ko siya. Nagsimula na akong maglakad at pag-akyat ko sa hagdan ay inalalayan ako ng isang lalakeng stuff. Kasabay ng aking paglalakad ang napakagandang musika.

Nang makarating sa harap ay nakita kong nakapuwesto na iyong mga kalaban ko. Sa sampong sumali, ako ang panghuli sa listahan.

"Good evening ladies and gentlemen welcome to the Coronation Night of Ms. St. Luke."

Nagsipalakpakan ang mga manonood.

"So here's our candidates of Ms. St. Luke, 2015!"

Karamihan sa kanila ay Med Student, mula sa 1st year at sa aming baitang.

Nagsimula nang tumugtog ang musika at gaya ng itinuro sa amin kahapon ay maayos kaming rumampa. Hindi lang 'yon dahil sumayaw kami, dahilan kung bakit napuno ng hiyawan ang loob ng Gymnasium. Nakikita kong lahat sila ay masayang pinapanood kami, kaniya-kaniya ang cheer sa kanilang kilalang contestant.

Matapos ang sayaw na iyon ay bumalik kami sa aming pwesto.

I positioned my chin forward. I placed my arm slightly away from my body. I leave my waist open and i ensured that i have a strong posture. I keep my shoulders back and look directly at the camera.

"Good evening everyone. My name is Heart Villarin Representing MS1!" Panimula nong unang kalahok.

Isang malapad na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi at kung rumampa siya, animo'y isang professional model.

Bata pa lang ngunit nakikitaan ng potential. Samantalang ako ay nakinig ng mabuti kahapon sa trainor para lang matuto.

Sumunod na rumampa ang ikalawang kalahok.

"Hi, I'm Tricia DelFuedo, 23. Representing MS2!"

Gaya ng unang kalahok ay hindi siya nagpakita ng hiya sa mga manonood. Sa halip ay may tiwala niyang ipinakilala ang kaniyang sarili.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now