21

18 3 0
                                    

"Pakihanda ng E.R!" Nang makarating kami sa branch ng St. Luke Hospital ay iyon agad ang sinabi no'ng matandang lalake sa isang nurse na babae.

Agad siyang sinunod nito, sunod-sunod na pumasok ang mga burn patients at nagtungo sa Emergency Room. Napansin kong maliit lang ang Hospital na ito ngunit malinis naman at kompleto sila kanilang mga gamit.

Nang makarating kami sa Emergency Room ay sinimulan na naming asikasohin ang pasyente, bawat isa ay may Doctor na kumukonsulta. Napansin ko ang isang matanda sa bandang dulo ng higaan, inaasikaso niya rin ang isang burn patient kagaya namin ng matandang lalake.

"Sino ang Doctor na 'yan, at bakit nandito siya?" Nang matapos niyang linisin ang sugat ng kaniyang hawak na pasyente ay tinanong niya iyon sa matandang lalake, ang siyang taong nakakakilala sa akin ngunit siya ay hindi ko naman kilala.

"Siya si Dra. Yoona Stevenson, ang nagiisang anak ni Doc Krix.." Nang matapos gamotin ng matandang lalake ang kaniyang pasyente ay huminto siya't sinabi iyon, na siyang ikinagulat ko.

Sininyasan kong mahiga ang burn patient na siyang hawak ko, pagkatapos non ay lumapit ako sa gawi nong matandang lalake. Nanliit ang aking mga mata ng makitang ngumit 'yong isang matandang lalake, na nasa bandang dulo ng higaan nang dahil sa pagpapakilala sa akin.

I breathed sharply. "Sino po ba talaga ka'yo at bakit kilalang-kilala ninyo ako? Nakakapagtaka, pakiramdam ko ay nakita na kita noon ngunit hindi ko matandaan kung saan at kailan.." Seryoso kong sinabi, muli niya akong nginitian. Nilapitan niya ako at hinaplos ang aking buhok, na siyang ikinagulat ko.

"Siya ang Doctor na kasangga noon ng iyong ama, iha. Siya si Doc Tommy, ang matalik na kaibigan ng iyong ama simula no'ng middle school." Tila'y walang kataposan ang pagkagulat ko sa araw na ito, lalo na nang marinig ko iyon sa matandang lalake na siyang nasa bandang dulo ng higaan.

Binalingan ko ng tingin ang sinasabi niyang Doc Tommy, napalunok ako ng makitang nakangiti ito sa akin, animo'y ako ang kaniyang anak.

"Ako naman si Doc Mateo, ang dating head ng GS Department. Nanggaling ako sa St. Luke Hospital kagaya ng iyong ama, ang iyong ama at si Doc Tommy ang siyang nagturo sa akin kung paano maging isang mabuting Doctor.." Dugtong ni Doc Mateo sa kaniyang sinabi, naramdaman ko ang pamumuo ng aking mga luha sa aking mga mata.

"Maupod ka, iha." Tipid akong ngumiti at sinunod ang sinabing iyon ni Doc Tommy, umupo ako bakanteng higaan at tinabihan niya ako.

"Patawad kong wala ako sa tabi ng iyong ama no'ng mga panahong kailangan niya ako.. Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa aking puso ang sakit na iniwan niya no'ng siya ay mawala.. Ang sabi ko, hintayin niya ako pero hindi niya tinupad ang kaniyang pangako.." Tuloyan ng tumulo ang aking mga luha nang marinig iyon sa kaniya, tila'y bumalik ang lahat ng sakit na aking naramdaman ilang taon na ang nakakalipas. "Hindi ko alam na gano'n na pala ang madadatnan ko, sa katunayan nga ay iniwan ka niya sa akin ngunit pagbalik ko nalaman ko na lang na naroon kana sa naiwan mong pamilya kaya hindi na kita ginulo pa, dahil alam kong darating ang araw na magkikita rin tayo at ngayon ang araw na iyon." Kaniyang lintanya, wala akong magawa kun 'di ang umiyak habang pinapakinggan ang kaniyang saloobin.

"Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito, Yoona.. Humihingi ako ng tawad sa 'yo, kung hindi ako ang nagasikaso ng surgery ng daddy mo. Patawad dahil nabigo ko ang pangako kong ako ang magle-lead ng operasyong iyon.." Naramdaman ko ang panghihina ng aking katawan, hindi ko na napigilan ang aking sarili dahil sa sakit na aking nararamdaman. Tuloyan na akong napahagolgol, mas lumakas pa iyon nang maramdam ko ang pagyakap niya sa akin.

THE DOCTOR'S REVENGE Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt