34

13 2 0
                                    


"Nasaan si m-mommy?"

Sa lumipas na mga panahon ay ngayon ko lamang ulit natawag ng gano'n ang aking ina. Tila'y may nagtulak sa akin upang kamustahin siya kay Axel at inaamin kong nagaalala rin ako sa mga sandaling hindi ko siya nakikita.

Kasalukoyang nasa conference room pa rin kaming dalawa. Naguusap tungkol sa mga nagawa ng kaniyang ama, hindi lang sa amin kun 'di maging sa kanila rin ng kaniyang tunay na ina.

Nagangat ng tingin si Axel sa akin. "Nasa mansion siya. Hindi ko na siya nakikita dahil matagal na akong bumukod kina Dad at Lolo.. Ang totoo niyan, hindi maganda ang pakikitungo ko noon sa iyong ina, Yoona. Ngunit masasabi kong napakabuti ni Tita Hannah, tinuring niya ako na parang isang tunay na anak.." Kaniyang sagot. Napalunok ako at nagiwas ng tingin sa kaniya, ganon na lamang kabigat ang aking paghinga.

I smiled, painfully. "Buti kapa.. Naramdaman mo ang pagmamahal niya, habang akong tunay niyang anak, naiwang magisa.." Pinilit kong hindi pumiyok, ngunit kahit tagumpay ko iyong hindi nagawa, nanghina naman ang aking boses.

"Hindi ako naniniwalang hindi ka niya mahal, Yoona. Walang ina na hindi mahal ang kaniyang anak, oo nga at nagkamali siya sa inyo pero kahit na baliktarin ninyo ang mundo magina pa rin ka'yo.. Nararamdaman ko, mahal na mahal ka ni Tita Hannah!" Muli na naman akong napabuntong hininga nang sabihin niya iyon sa akin.

Nagangat ako ng tingin at dirityo siyang tinignan. "Hindi ko alam, Axel. Hindi ko kayang paniwalaan ang mga sinasabi mo, hindi ko kaya." Seryoso kong sinabi, dahilan kung bakit nagbago ang reaksyon niya.

"Kaya mo. Kung gusto mo, dadalhin kita sa kaniya!" Aniya, tila'y may naghahabolan sa aking puso dahil sa subrang lakas ng pintig nito.

Kaya ko? Sa tingin ko naman, oo. Sinabi ko lang na hindi dahil ayoko siyang makita, iniwan niya kami ng daddy ko. Iniwan niya ako, isa rin siya sa dahilan kung bakit namatay ang daddy ko. Bakit ko kikitain ang isang tulad niya? Isang taong walang paninindigan, isang ina na hindi kayang alagaan ang sarili niyang anak. Isang ina, na inabandona ang nagiisa niyang anak.

"Hindi na kailangan, Axel. Matagal ng tapos ang ugnayan namin ng taong 'yon.. Huwag kang magalala, kung ikaw ang kinikilala niyang anak ngayon hindi ako apektado." Sagot ko. Napansin ko ang kaniyang paglunok, humugot ako ng malalim na hininga at nginitian siya. "Hindi mo kailangan makonsensya sa mga kasalanang hindi ikaw ang may gawa, Axel. Hindi na tayo mga bata, kaya mag focus kana lang kay khalil at huwag mo ng isipin ang problema sa pagitan namin ni Hannah." Dugtong ko sa aking sinabi. Nanatiling siyang tahimik habang seryosong nakatingin sa akin, muli ko siyang nginitian pagkatapos ay tinalikoran na siya.

Nagsimula na akong maglakad palabas ng Conference Room, nang makarating ako sa unang palapag ay sinalubong ako agad ng prescon.

"Totoo ba na ang Medical Director ng sikat na Hospital na ito ang siyang tunay na pumatay sa iyong ama?" Iyon agad ang unang tanong sa akin, halos hindi ko na maintindihan ang katanongan ng ibang reporter dahil sa dami nila.

Naghahalo-halo ang kanilang mga katanongan at hindi ko alam kung sino ang uunahin ko sa kanila. Naramdaman ko na lang na may humawak sa aking pulsohan, napakahigpit niyon. Pagbaling ko ng tingin sa taong iyon ay napagtanto kong si Axel ito, hinila niya ako palayo sa prescon.

Paglingon ko sa mga reporters ay patuloy silang sumusunod sa amin. Tumigil ang mga ito nang sandaling harangin sila ng guards, marahan ngunit mabilis ang paglalakad ni Axel. Dinala niya ako sa parking lot, kung saan naroon ang kaniyang sasakyan.

"Alam kong marami akong nagawang pagkakamali sa'yo. Alam ko ring nagkulang ako, pero handa akong bumawi. Handa akong pagbayaran ang lahat ng kasalanang nagawa ko sa'yo, Yoona. Umabot man ng ilang dekada o kahit habang buhay akong humingi ng tawad sa'yo ay gagawin ko!" Agad akong hinarap ni Axel at iyon ang mga sinabi niya, direkta at walang preno. Napakaseryoso niya kumpara kanina, direkta niya akong tinignan sa aking mga mata na siyang nilalabanan ko ngayon.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now