5

27 8 0
                                    


"Saan ka galing?"

Pagkapasok ko pa lang ng bahay ay iyon agad ang bungad sa akin ng babae ni Dad.

"None of your business." Walang bahid na emosyong turan ko.

Nagtungo ako hagdan upang umakyat ngunit agad iyong nahinto nang marinig ko ang sinabi niya.

"Kumain ka na ba? Pinagluto kita anak.

"Hindi ako ang anak mo." I said in a cold tone.

Hindi ko na gustong marinig pa ang subod niyang sasabihin kaya ipinagpatuloy kong muli ang pag-akyat ko. Nang makarating ako sa taas ay agad akong nagtungo sa aking kwarto at pumasok roon.

Humugot ako ng hininga at humiga sa aking kama. Inilagay ko ang aking kanang braso sa aking noo at tinitigan ang kisame.

Ganon na kalapad ang ngiti ko nang maalala ang nangyari kanina. Hinatid ko si Yoona at gumaan ang aking pakiramdam dahil sa kaniya, na kahit nong una ay hindi maganda ang aming paguusap, kalaunan ay kumalma siya.

"mom, I found her."

Turan ko, na kahit alam kong ako lang ang makakarinig niyon.

Sa tanang buhay ko ay wala akong ibang  ginusto kun'di siya lang. Alam kong para sa kaniya ay wala lang iyon ngunit hindi niya alam kung gano kalaki ang impact niya sa akin. Bukod kay mommy, siya lang ang hinangad kong babae.

Wala siyang alam sa naramdaman ko noon, magpahanggang ngayon. Lahat ng sinabi ko ay totoo at nanggaling iyon sa puso ko. Nangako ako sa aking sarili na hahanapin ko siya dahil naniniwala akong siya iyong babae na para sa akin. No'ng una, kinalimotan ko ang pangakong iyon dahil sa hindi ko siya nakita at hindi na'ko naniniwala sa tadhana ngunit nang makita ko siya, masasabi kong totoo pala ito.

No'ng una ko siyang makita iba na ang aking naramdaman. My heart will always say yes whenever the name of Yoona is mentioned. Kahit ilang beses niya akong itaboy, kahit ilang beses niyang sabihin na hindi niya ako gusto, hindi ako susuko.

Hinanap ko siya noon at hindi iyon alam ng Daddy ko. Hinanap ko ang pangalan niya sa buong skwelahan ng Pilipinas ngunit hindi ko pa rin siya nakita. Hindi ko inaasahang papalitan niya ang kaniyang pangalan kaya nahirapan akong hanapin siya.

Now that I have found her I will not waste this opportunity. I want her to be my girlfriend. Ngayong nahanap ko na siya hindi ko na hahayaang mawala siyang muli sa aking paningin, gagawin ko ang lahat hanggang sa magustohan at mahalin niya rin ako kagaya ng aking nararamdaman para sa kaniya.

Ngayon ko lang naramdaman muli ang sayang ito.

Sa totoo lang hindi ko talaga gusto ang pagaaral ng medisina ngunit dahil sa daddy at Lolo ko ay napalitan akong gawin iyon. Speaking of my dad, hindi ako ganong malapit sa kaniya. Malamig ang aking pakikitungo sa kaniya dahil sa galit ako.

Pinili niya ang kaniyang babae kaysa ang tuparin ang huling kahilingan ng aking Ina. May sakit siya sa puso at hindi niya natanggap na iiwan siya ng Daddy ko. Because of that, my mom died.

“Dad please! Ikakamatay ni mommy kapag iniwan mo siya..”

Hindi ko namalayang naikuom ko na pala ang aking mga kamay nang sandaling maalala ko ang nangyari noon.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now