17

17 5 0
                                    

"CODE BLUE, CODE BLUE, CODE BLUE."

"Doctors, please proceed to the exit area."

"Doctors, please proceed to the exit area."

Agad akong napatayo nang sandaling marinig ko iyon at sa tingin ko hindi lang ako, pati na rin ang lahat ng tao na narito ngayon sa Hospital. Lumabas ako ng aking opisina at kagaya ko ay nagtataka rin sila dahil sa narinig. Ang ibang Doctor naman ay nagtatakbohan patungo sa labas.

Nang makarating ako sa unang palapag ay mas binilisan ko pa ang aking paglalakad at hindi ko inaasahang makakasalubong ko si Axel. May kasama siya at sigurado akong ka-department niya ito.

Isang intern ang lumapit sa amin “Doc, may nagbanggaan na truck at bus, maraming pong nasugatan.” Pareho namin siyang tinangohan ni Axel.

“Ang ibang Doctor ay nasa O.R kaya wala pong ibang mag-aasikaso.” Dugtong niya sa kaniyang sinabi.

Tinangohan siya ng katabi ko.“Ikalma mo ang sarili mo, ilang pasyente ang darating?” Mahinahon at seryosong tanong sa kaniya ni Axel.

Labing lima po ang darating.”

Agad kaming tumango at hindi na kami nagusap pa, sa halip ay mabilis na naglakad patungo sa labas. Nang makarating ay sunod-sunod ang datingan ng mga ambyulansya, nahinto ako saglit nang makitang halos karamihan sa kanila ay napurohan.

Nang maglakad na si Axel patungo sa kanilang gawi ay kaagad akong sumunod sa kaniya. Kinonsulta niya agad ang unang dumating na pasyente.

“Ano pong pangalan niyo? Naririnig niyo po ba ako?” Iyon agad ang tanong ko sa lalake, ngunit hindi niya ako sinagot kaya chineck ko ang kaniyang pulso.

"Anong vitals niya?" Mahinahon ngunit seryosong tanong ko sa rescuer. “40/80 ang BP, 150 ang hydrate at natamaan ang kanang hita.” Sagot nito sa akin.

"Doc, parang-awa niyo na po.. Gawin niyo po ang lahat para maligtas ang daddy ko!" Hinawakan nong batang babae ang aking kamay at hikbing sinabi iyon sa akin, agad ko siyang tinangohan. 

Binalingan ko ng tingin ang dalawang rescuer. "Sige, pakipasok na siya sa loob at idirityo ninyo siya sa Emergency Room." I stated. Tinangohan nila ako at mabilis na itinulak ang stretcher papasok sa loob, na siyang agad kong sinundan.

Agad kong nilapitan ang isang Doctor na naka-assigned sa E.R "Pakitignan kung natamaan ang femur." Sabi ko, na siyang ikinatango niya.

Inasikaso na nila ang lalake, binalingan ko ng tingin ang kaniyang anak na babae at kita ko ang takot sa kaniyang mga mata. Humugot ako ng malalim na hininga at ipinilig ang aking ulo, pagkatapos ay muling bumalik sa labas upang tulongan si Axel.

Nang makarating ako sa labas ay isang pasyente na lang ang natira, napansin kong naipasok na 'yong iba. Agad akong nagtungo sa gawi ni Axel at tinanong niya kung anong vitals ng pasyente.

"Last check po namin ay 80 over 40, ang heart rate niya naman po ay 130." Sagot ng rescuer sa kaniya, na siyang tinangohan niya.

"Ipasok na natin siya sa loob!" Presinta ko, pare-pareho nila akong tinangohan at tumulong na ako sa pagtulak ng stretcher hanggang sa makarating kami sa E.R, ipinasok namin ito sa Hybrid Room.

"Doc Migs, ikaw na muna dito." Ani Axel sa kasamahang Doctor, agad siyang tinangohan nito.

Tipid akong napangiti habang pinagmamasdan ang bawat galaw niya. Mahahalata mong mahal niya ang kaniyang trabaho bilang isang Doctor at mahalaga sa kaniya ang bawat pasyente, bagay na hindi niya namana sa kaniyang ama.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now