32

14 4 0
                                    

Agad akong tumayo nang sandaling marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Nakapatong ito sa taas ng mini drawer, kinuha ko iyon at nakita sa screen ang pangalan ni President.

Agad kong sinagot ang kaniyang tawag. "Good evening, President." Magalang kong bati, rinig ko ang pagungol niya mula sa kabilang linya bilang pagtugon.

[Nakausap ko ang kaibigan kong si Randy, siya ang late chairman ng St. Luke Hospital. Nagusap kami kanina at sinabi ko ang hiling ninyo sa akin, masaya akong ibalita sa inyo na natanggap ko na ang Medical Corporation Permit. Simula ngayon ay hiwalay na ang SLMC sa St. Luke Main Hospital..] Kaniyang lintanya mula sa kabilang linya, agad na sumilay ang malapad na ngiti sa aking mga labi.

Napakasaya ko ngayong gabi. Wala pa ako sa kalagitnaan ngunit sigurado akong sasabog si Timothy sa galit kapag nalaman niya ito, mas magugulat siya kaysa sa kaniyang ginawa sa akin.

"Maraming salamat, President! Maraming salamat.." May galak kong sinabi, narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.

[Salamat din sa pagtulong ninyo sa amin. Have an early rest, Doctora..]

Nakangiti akong ibinaba ang telepono nang sandaling i-end niya na ang call.

"Yoona?" Agad na naglaho ang ngiti sa aking mga labi nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Axel, nilingon ko siya.

"Bakit? M-may kailangan ka ba?" Inayos ko ang aking sarili at itinanong iyon sa kaniya.

"Sorry, naabala ata kita? Mukhang may kausap ka, e." Aniya, peke akong tumawa ngunit mahina lang.

Lumapit ako sa kaniyang gawi. "Ah, si President. Kinakamusta niya sa 'kin ang kambal.." Pagdadahilan ko, tipid siyang ngumiti at tinangohan ako.

"Let's eat.. Hinihintay kana ni Khalil sa dinning." Sabi niya, na siyang ikinatango ko.

Nauna siyang maglakad sa akin, ako naman ay nasa likoran niya nakasunod. Nang makarating kami sa dinning ay tumabi ako agad kay Khalil. Isinawalang bahala ko muna ang good news na aking natanggap, at napagpasyahang bukas ko na lang iyon sasabihin kay Doc Tommy kapag nasa Hospital na ako.

"Mommy!" Masiglang pagtawag sa akin ng bata. Malapad ko siyang nginitian at hinalikan ang kaniyang noo.

"Good evening!" May ngiting sabi ko, dahilan ng kaniyang paghagikgik.

"Daddy, chicken!" Nakangiting request ni Khalil sa ama, napangiti na lang ako. Tinangohan siya ni Axel at kinuha nito ang luto niyang fried chicken, pagkatapos ay ibinigay niya iyon sa bata. Chicken lollipop ang paborito ni Khalil, simula no'ng ako ang magbuso nito sa kaniya.

"Kumain ka na, Yoona. Alam kong maaga pa ang pasok mo sa Hospital." Nang marinig ko iyon kay Axel ay nilingon ko siya, tipid akong ngumiti at tinangohan siya.

"Ikaw, kailan ka magsisimula sa SLMC?" I asked. Agad na nagbago ang reaksyon niya, mas naging seryoso siya ngayon habang nakatingin sa akin.

"Aayosin ko lang ang documents ko. Pupunta ako ng Main Hospital bukas, kakausapin ko na sina Dad." Sagot niya.

I nodded. "Do'n rin ang punta ko bukas, may mahalaga rin kaming paguusapan. Naisip ko, mas mabuting nando'n ka rin." Aking lintanya, na siyang dahilan kung bakit naningkit ang kaniyang mga mata.

"Bakit?" Bakas ang kuryosidad sa kaniyang boses.

"Malalaman mo rin bukas, kumain na tayo." Seryosong kong sinabi, hindi na ako muling nagsalita pa sa halip ay kumain na.

Tanging si Khalil lamang ang kumakausap sa aming dalawa. Hanggang sa lumipas ang ilang minuto, sa wakas ay tapos na rin kami.

Napagpasyahan na naming magpahinga at katabi ako ngayon ni Khalil sa pagtulog, habang si Axel naman ay nasa kaniyang kwarto. Hindi na ako masyadong nagisip pa dahil kailangan ko maging handa sa aking pasabog.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now