27

14 5 0
                                    


"Maraming salamat sa inyong lahat, Yoona.." May ngiting sabi ni Mavis sa akin, tinangohan ko siya at nginitian.

Binalingan ko ng tingin ang kambal na kasalukoyang narito sa ICU. Wala pa rin silang malay ngunit maya-maya ay magigising na rin sila. Kasama ni President ang kaniyang pamilya ngayon kaya nagkita kami ni Mavis.

"You're welcome, Mavis. Responsibilidad ko bilang isang Doctor na tulongan sila." May ngiting sagot ko, muli rin siyang napangiti.

"Sige. Kakausapin ko muna si Uncle." Agad ko siyang tinangohan nang sabihin niya iyon, nakangiti lang ako habang pinagmamasdan sila mula sa labas.

"Iha!" Nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Doc Tommy ay agad ko siyang nilingon, lumapit ako sa kaniya dahil naroon siya sa station ng nurses.

"May kailangan po ba ka'yo?" Tanong ko, hindi siya sumagot sa halip ay tumingin sa bandang dulo. Nang sundan ko ang kaniyang tingin ay nakita ko sina Louxiereign at Jihyun, kasama nila si Lance.

Isang malapad na ngiti ang sumilay sa aking mga labi. Agad akong naglakad ng mabilis patungo sa kanilang gawi, nang makalapit na ay agad kong niyakap si Reign ganon ang dalawang lalake.

"Ikaw naman, halatang miss na miss mo kami!" May ngiting sabi ni Lance, napangiti na lang ako.

"Hindi ko inaasahang dadalawin niyo ako dito.. Tara sa opisina ko, do'n tayo.." Masayang turan ko, agad nila akong sinangayonan.

Nang makarating kami sa 'king opisina ay pinaupo ko sila sa sofa. Kasalukoyang nakasandal ngayon si Reign sa kaniyang nobyo habang si Lance ay umiinom ng kape na siyang pinagtimpla ko.

Nginitian ko si Lance. "Kamusta ang trabaho mo? Ilang araw din kitang hindi nakita ah.."

"Palaging okay. Pasensya na ka'yo kung hindi ako masyadong nagpapakita, alam mo naman pangarap ko 'yon kaya masyado kong in-enjoy." He answered, mahina siyang natawa. Napangiti naman kaming tatlo sa kaniyang sinagot.

"Ikaw naman Jihyun? Siguro mataas ang sales ng company ninyo ngayon noh?" Nang sabihin ko iyon ay agad akong tinangohan ni Jihyun, malapad niya akong nginitian.

"Ako pa ba? Baka si Jihyun 'to.." Aniya, pare-pareho kaming natawa dahil sa kaniyang sinabi.

Napailing-iling na lang ako habang nakangiti. Binalingan ko ng tingin si Reign. "At ikaw naman, kamusta ka sa St. Luke?" Tanong ko sa kaniya, agad na naglaho ang ngiti sa kaniyang mga labi na siyang dahilan kung bakit nanliit ang aking mga mata.

"Mas naging strict ang Hospital. Nakakapagod nga e, pero hindi ako pwedeng umalis doon." Malumanay ang kaniyang boses nang sabihin niya iyon, nagbago ang aming mga reaksyon at naging seryoso na. "Buti nga pinayagan akong mag leave ngayon, e.  Saka, pumunta kami dito dahil may sasabihin ako sa 'yo.." Dugtong niya sa kaniyang sinabi, bigla akong nalungkot dahil kakaiba ang reaksyon ngayon ni Reign.

"Bakit? May problema kaba?" Nag-aalalang tanong ko, umiling siya kaya mas lalo akong nagtaka.

"Wala na si Axel sa St. Luke Hospital, kalat na sa buong hospital ang ginawa niya. Gustohin man nina Chairman na ibalik siya ay hindi nila magawa dahil mismong si Axel na ang sumuko, ayaw niya ng maging Doctor sa Main Hospital." Kaniyang lintanya, na siyang ikinagulat ko. "Nasabi niya rin sa akin na ayaw niya ng maging sunod-sunoran. Sa pagkakataong daw ito ay pipiliin niya na kung anong magpapasaya sa kaniya.. Naaawa ako sa kaniya, Yoona. Naghirap si Axel upang maging magaling na Surgeon, ayaw naming masayang ang lahat ng iyon nandahil lang sa pamilya niya!" Dugtong niya sa sinabi, sunod-sunod na paghinga ang aking pinakawalan.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now