37

21 2 0
                                    


"Oh.. S-sino siya?" Iyon agad ang bungad sa amin ni Reign nang makauwi kami ng bahay, kasama namin si Mommy kaya gano'n na lang ang pagkagulat nila.

"Siya ang tunay kong ina, Hannah ang pangalan niya." Saad ko at tipid silang nginitian, binigyan ako ng makahulogang tingin ni Reign ngunit nginitian ko lamang siya.

"Ako na ang maghahatid sa kaniya sa kwarto mo, Hon. Tita Hannah, magpahinga na muna ka'yo. Susundoin na lang po kita mamaya kapag nakahanda na ang lahat." Sabi ni Axel sa aking Ina, tinangohan naman siya ni Mommy. Inalalayan niyang makaakyat ang aking ina, patungo sa aking kwarto.

Agad akong nilapitan ng tatlo, habang si Khalil ay napansin kong wala dito. Marahil ay naroon siya sa kaniyang kwarto at natutulog na.

"Kailan pa ka'yo naging close ng tunay mo Ina? Grabe, subrang dami kong nalalaman ngayon ah!" Gaya ng aking inaasahan ay ganito nga ang magiging reaksyon ni Reign, habang iyong dalawang lalake ay seryoso lamang nakatingin sa akin. Halatang naghihintay ng isasagot ko, tinignan ko muna ang aking relo at nakitang alas tres na ng hapon.

Humugot ako ng malalim na hininga at umupo sa couch. Sinagot ko ang tanong ni Reign, ipinaliwanag ko sa kanilang tatlo ang mga nangyari. Habang nagkukwento ay sunod-sunod na tumutulo ang aking mga luha. Kaagad akong dinalohan ni Reign upang yakapin, lumapit rin sa akin ang dalawa at niyakap din ako.

"Mabuti na lang at naisipan iyong gawin ni Axel, masasabi kong siya nga ang nararapat para sa'yo.." May ngiting komento ni Lance, tipid ko siyang nginitian.

"Hay, subrang sakit at hirap ng mga pinagdaanan mo.. Deserve mo ng mahabang pahinga, kaya pagkatapos nito ay bigyan mo na ng kapayapaan ang sarili mo, ha?" Luhaang turan ni Reign, mahina naman akong natawa at pinahid ang kaniyang mga luha.

"Gagawin namin ang lahat upang bawiin ang lahat ng kalungkotan na naramdaman mo noon, Yoona. Mahalaga ka sa amin, mahal ka namin. Ka'yong dalawa ni Louxiereign ang princessa namin at hinding-hindi iyon magbabago, handa kaming pasayahin ka sa araw-araw.." Lintanya ni Jihyun, dahilan kung bakit kami napangiti ni Louxiereign.

"Seriously? Anong princess ka jan! Isang reyna ang fiance ko, kaya siya ang Reyna ng buhay ko." Narinig kong sinabi ni Axel, dahilan kung bakit napahiwalay kaming apat sa isa't-isa.

Pare-pareho silang natawa, habang ako ay nakangiting pinagmamasdan sila.

"Dude, mas cringe kapa kaysa kay Jihyun, e.." Komento naman ni Lance, inirapan lamang siya ni Axel.

"Ang baduy mo talaga mainlove, insan." Dugtong naman ni Jihyun, dahilan kung bakit mahina siyang binatokan ni Axel. Nagtawanan sila, kasama si Lance.

Naramdaman ko ang paghawak ni Louxiereign sa aming kamay, binalingan niya ako ng tingin at malapad niya akong nginitian. Nginitian ko rin siya, niyakap ng mahigpit bilang pagpapasalamat dahil kahit kailan ay hindi niya ako iniwan.

"I was glad to have met you, Louxiereign Natividad.." Luhaang tinuran ko, narinig ko ang kaniyang paghikbi kaya naman napangiti ako.

"Hay, umiiyak na naman ang princesses namin.." Malumanay na komento ni Jihyun, dahil do'n ay napakalas kami sa isa't-isa ni Reign at parehong natawa.

Muli kong tinignan ang aking relo at nakitang alas mag aalas-sais na ng gabi. Malapad akong napangiti dahil do'n, tumayo ako at nagtungo sa exit door. Nagtataka akong tinignan nila Reign ngunit hinayaan ko lamang sila, mas lalo pa akong napangiti nang makita ang dalawang sasakyan mula sa labas.

"Hala, may iba pa tayong makakasama?" Nang makalapit si Reign sa aking gawi ay tinangohan ko siya, muli na naman akong napangiti nang sandaling bumaba sina Doc Tommy, Doc Mateo at Mavis.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now