2

49 7 0
                                    

"Good morning!" Nang makapasok ako ng aming kwarto ay iyon agad ang bungad sa akin ni Reign.

Nginitian ko siya. "Good morning." Inilapag ko ang aking bag at umupo."bakit ang aga mo?"

"Palagi akong maagang pumapasok, noh." Sagot niya.

I nodded. "Maganda ata ang mood mo at hindi ka inaantok?" Sabi ko, mahina siyang natawa.

"Maaga kasi ako natulog, e. Sumakit ang ulo ko sa kaka-review, ang hirap." Hinawakan niya ang kaniyang ulo, napailing lang ako sa sinabi niya.

Medical school is one of the most rigorous educational paths. Many students find themselves struggling academically for the first time in their lives. And if that happens for you, the worst thing you can do is isolate in your struggles.

"Kunyari ka pa, gusto mo lang makasabay 'yong crush mong half korean sa kabilang room, e." Aking pangaasar, napadako ang kaniyang mga mata.

Nagulat ako ng bigla niyang takpan ang aking bibig gamit ang kaniyang kanang kamay. "Ssh! Baka may makarinig sa'yo.." Bulong niya sa akin, agad kong kinuha ang kaniyang kamay sa 'king bibig. "Actually, nagkasabay nga kami kanina!"  Napairap na lang ako sa sagot niyang iyon.

Hindi ko akalaing may sira ang kaniyang ulo. Sinabi niya sa akin na tumahimik ako at baka may makarinig sa akin pero heto siya, akala mo naka microphone dahil sa lakas ng boses.

"Mag review ka na lang ulit dyan." Iyon lang ang sinabi ko.

"Ay, oo nga pala sis, ikaw ah, kahapon! Para ka 'yong mag-jowa ni Axel habang nagtatalo.." Hindi ko naituloy ang pagkuha ko sa aking libro nang marinig ko iyon sa kaniya.

Agad ko siyang nilingon. "Ha?”

"Totoo naman, e! Bagay kaya ka 'yo.." May pang-aasar niyang sabi, napailing-iling ako.

Mukhang hindi ko mapipigilan ang babaeng ito sa pang-aasar sa aming dalawa ni Axel.  No'ng isang araw lang kami nagkakilala ngunit kung makipag-usap siya sa akin ay parang matagal niya na akong nakasama.

"As if namang magugustohan sya ni Axel." Nag-angat ako ng tingin, ganon din si Reign nang marinig namin ang boses na iyon, napagtanto kong si Alexa ang may sabi.

"As if namang magugustohan ka din ni Axel." Mataray na sagot sa kaniya ni Reign.

Napaamang siya. "And how sure are you?" Inirapan niya si Reign.

Napabuntong hininga na lang ako, naiipit ako sa kanilang dalawa dahil sa isang lalake na hindi ko naman gusto.

"Dahil totoo namang hindi ka magugustohan ni Axel, e. Gusto mo ba itanong ko sa kaniya?” Halata ang pagpigil ni Alexa sa kaniyang inis nang matapos iyong sabihin ni Reign sa kaniya.

"Stop it, Reign. Pasensya na, nag-bibiro lang siya, hayaan mo na." Sabat ko at binalingan ng tingin si Alexa.

"Wow. Hanga din naman ako sa 'yo, bait-baitan?" Aniya, she rolled her eyes.

Nilisan niya kami ni Reign at hanggang sa paglabas niya ng room ay nakasunod ang aking paningin. What's wrong with her? Nang dahil lang sa lalake ay nagkakaganyan siya. What a shame.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now