8

21 5 0
                                    


Kasalukoyang naglalakad ako ngayon patungo sa aming room at hindi ko inaasahang makakasalubong ko sa hallway sina Reign at Jihyun. Agad silang lumapit sa akin.

"Oh bakit hindi mo kasama si Axel?" Reign asked.

"Hindi ko alam saka ayos lang naman, e." I answered.

"Okay lang ba ka'yo?"

Tinangohan ko si Jihyun. "Oo naman."

Hindi ko alam ang dahilan ni Axel kung bakit hindi niya ako nasundo sa bahay, pero okay lang. Hindi ko maiwasang magalala dahil kahit text niya ay wala akong natanggap.

"Jihyun!"

Pareho kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Napagtanto kong isa itong Med Student ngunit MS3, agad siyang lumapit sa gawi ni Jihyun.

"Why?"

"Hindi kasi sinasagot ni Axel 'yong tawag ko, baka alam mo kung nasaan syia?" Sagot niya sa kaibigan.

Nangunot ang aking noo.

"Hindi, e. Tumawag ako kanina sa kaniya but he's not answering my calls even my texts. Kaya tinanong ko agad si Stacey kung okay lang ba sila?" Nilingon ako ni Jihyun.

"Hindi naman pala-absent yon, e. Unless kung tungkol na naman sa daddy nya."

Hindi ako sumagot sa halip ay nakinig lang sa kanila. Mas nakaramdam ako ng pag-aalala dahil sa sinabi ng kaibigan ni Jihyun.

Okay lang kaya siya?

"Baka nag away ka'yo?" Agad kong inilingan ang kaibigan ni Jihyun.

"Wala kaming pinagaawayan, palagi kaming okay. Nagtataka rin ako, dahil hindi nya ako sinundo." Sagot ko na siyang ikinatango niya.

Alam kong hindi ako gusto ng daddy ni Axel pero gusto ko siyang makita at patunayang maganda ang aking intensyon.

“Sigurado akong pinagalitan na naman siya, pero kahit na ganon hindi naman siya uma-absent.” Komento nong kaibigan ni Jihyun.

"Palagi naman, e. Hindi ako sigurado pero tingin ko tungkol ito sa relasyong ninyong dalawa, Stacey." Jihyun stated.

Napalunok ako. Binalingan ko ng tingin iyong kaibigan ni Jihyun na si Lance, nakita ko ang kaniyang pangalan sa tag na nakasabit sa gilid ng kaniyang suot na uniform.

"Tatawagan ko na lang syia mamaya. Baka sakaling sagotin niya ang tawag ko, babalitaan na lang kita." Saad ko na siyang ikinatango niya.

Matapos non ay nagpaalam na sa amin si Lance, ganon din si Jihyun.

NATAPOS na ang aming rotations at sa mga sandaling iyon ay si Reign ang kasama ko. Sa lumipas na mga oras ay hindi dumating si Axel. I tried to call him but he didn't answer. It just kept ringing, as if he really didn't answer my call on purpose.

Nagaalala na ako, ngunit nanatili akong kalmado.

Meanwhile,

"Stop your nonsense, Axel! Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na hindi ka pwedeng pumasok sa isang relasyon, hangga't hindi ka pa nakakapagtapos?! Hindi mo na ako sinusunod, dahil lang sa nagka girlfriend ka."

Iyon agad ang bungad sa akin ni Dad nang matapos kong ayosin ang inutos niya. Kasalukoyang nasa sala kami ngayon at heto, sinisermonan niya. Nakita ko ang awa sa mga mata ni Tita ngunit ano mang sabihin niya ay hindi niya rin ako matutulongan.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now