30

19 4 0
                                    


"Omygosh! Mabuti na lang at walang nangyari sa 'yo.." Nang sandaling lumabas ako ng guest room ay iyon agad ang bungad sa akin ni Reign.

Sinabi sa akin ni Axel na tinawagan niya sina Louxiereign, Jihyun at Lance dahil sa nangyari. Ginantihan ko ang pagyakap ni Reign sa akin ngunit saglit lang, dahil kumalas rin ako agad.

Nagtungo kami sala kung nasaan ang tatlong lalake. Agad na tumayo sina Jihyun at Lance nang makita ako, lumapit sila sa akin. Medyo nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Lance, ng mahigpit.

"Ano kaba, okay lang naman ako.." Sabi ko, agad siyang kumalas sa pagkakayakap.

"Mabuti na lang at kasama mo si Axel! Mabuti na lang at wala ka sa bahay mo no'ng nangyari 'yon!" Nagaalalang sabi niya, humugot ako ng malalim na hininga at tipid siyang nginitian.

Umupo ako, ganon din sila. Nanatiling seryoso si Axel habang nakatingin sa akin ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin.

"Wala ka bang nakaaway? Kasi, kung iisipin nating mabuti parang sinadyang pasokin ang bahay mo.. Ang sabi sa 'kin ni coz ay walang ninakaw sa mga gamit mo, even 'yong perang nakatago sa ilalim ng higaan mo ay hindi rin kinuha." Lintanya ni Jihyun, binalingan ko siya ng tingin at tinangohan.

"Naisip ko na 'yan. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip ko, tama ka. Sinadyang pasokin ang bahay ko, na para bang nagbabanta sila sa 'kin.." Seryosong sagot ko, nagbabanta si Timothy sa akin. Wala akong ibang kaaway kun 'di siya lang, bakit pa ba ako magtataka?

"Hay naku! Mabuti pa nga at dito ka muna kina Axel.. Jusko girl, hindi ko kakayanin pag may nangyari sa 'yo.. Marami ka pang dapat gawin 'diba? So mangako ka sa 'kin na magdodoble ingat ka.." Nang sandaling sabihin iyon ni Reign at binalingan ko siya ng tingin, nginitian ko siya at tinangohan.

"Ako na ang nag report sa mga pulis. Tutulong rin ako sa pagiimbestiga, sigurado ako may galit iyong taong gumawa no'n sa 'yo.." Si Axel naman ang nilingon ko, hindi ko siya sinagot sa halip ay tinangohan lang.

May galit talaga siya, sino ba naman ang matutuwa sa isang taong magiging dahilan ng pagbagsak niya?

"Hayaan niyo na. Kaya kong protektahan ang sarili ko, sakali mang balikan niya ako.. Ang alam ko lang ay wala akong atraso sa kahit na sino." Seryoso ngunit mahinahong turan ko. Napabuntong hininga silang tatlo, maliban kay Axel na nanatiling seryoso.

"Mommy! Mommy!" Napadako ang aking mga mata ng marinig ko ang boses ni Khalil. Agad akong napalingon sa kinaroroonan niya, nakita kong tumatakbo siya palapit sa akin.

"Daddy!" At nang sandaling makalapit siya sa aming gawi ay tinawag niya rin si Axel. Hindi ko magawang tignan ang tatlo dahil alam kong nakatingin sila ngayon sa amin nina Axel, ng nagtataka.

Agad na nagbago ang reaksyon ni Khalil nang makita niya ang tatlo habang nakatingin sa kaniya. Agad siyang tumabi sa akin at nagtago sa gilid ko, halatang takot dahil may ibang tao.

Hinaplos ko ang kaniyang buhok. "Huwag kang matakot, kaibigan sila nina mommy at daddy.. Mababait sila, pwede mo silang maging ate at kuya.." Malambing kong sabi, nagangat siya ng tingin sa akin at unti-unting tumango.

Napakalaki ng impact ko sa puso ng batang ito. Unti-unti na siyang nagbabago. Tumabi si Axel sa kaniya kaya tatlo na kami ngayon sa mahabang couch, habang 'yong tatlo ay nasa kabila.

"Ay, hindi naman kami na inform na family day pala 'to?" Natatawang turan ni Reign, nagangat ako ng tingin at napansin kong nakangiti silang dalawa ng kaniyang nobyo. Maliban kay Lance, na siyang seryosong nakatingin sa amin ngayon.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now