9

19 5 0
                                    

"Happy Birthday, Dude!"

Agad na binati ni Jihyun ang kaibigan nang sandaling makarating kami sa bahay nila, kasalukoyang nasa pool area kami at nagsisimula na silang magsaya.

"Happy Birthday, Jake." Tipid akong ngumiti sa kaniya.

"Thanks, Stacey. I'm glag you're here, mabuti na lang at napapayag mo itong si Axel." Mahina siyang natawa sa huli, na siyang ikinangiti ni Axel.

"Pwede ba naman akong mawala? Minsan na tayong nagsama, happy birthday." Sabi ni Axel at niyakap siya sa paraang panglalake.

"Magsaya lang ka'yo, enjoy tayo dahil wala sina Mommy at Daddy!" Masayang turan niya.

Pare-pareho kaming natawa. Kaya pala ganon na lang karami ang taong narito dahil wala siyang kasama maliban sa kanilang mga maids at guard.

May nagsasayawan sa gilid at napakalakas ng togtog, ngunit hindi iyon naging abala sa amin.

"Hi, Stacey!"

Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon, dahil do'n ay inalis ni Axel ang kaniyang kamay na nakaakbay sa akin. Napatanto kong si Lance ito, kaya nginitian ko siya.

"Hello.."

Nginitian niya ako't ibinaling ang tingin kay Jake. Lumapit siya sa gawi nito at bumeso.

"Happy Birthday, Bro!" Bati niya.

"Thanks, bro! Let's have fun!" Jake replied.

Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan sila. Nang mag-angat ako ng tingin ay unti-unting naglaho ang ngiti sa aking labi. Seryoso siyang nakatingin sa akin, animo'y may ginawa ako na hindi niya nagustohan.

Umiwas siya ng tingin at napailing. Kasabay non ang pagtunog ng kaniyang cellphone, kinuha niya iyon sa kaniyang bulsa at sinagot ang tawag.

"Excuse me." He said. Tinangohan ko siya.

Nagtungo siya sa unahan at umakyat sa ganong kataas na balcony nina Jake.

I sighed. Lumapit na lang ako kina Reign at Jihyun na abala sa pakikipagusap kay Lance. Napansin kong bumalik si Jake sa kaninang kausap niya no'ng hindi pa kami dumating.

"Babe, do'n tayo mukang masarap ang foods na hinanda nila." Sabi ni Reign. Agad siyang tinangohan ng nobyo, nilingon nila akong dalawa.

"Gusto mong sumama? Tara." Pag-aya ni Reign sa akin, inilingan ko siya.

"No, thanks. Mamaya na lang." Tipid akong ngumiti sa kanila.

"Oh, sige. Lance, kausapin mo muna si Stacey, ha." Pahabol niya, hinila na kasi siya ni Jihyun.

Napailing na lang ako habang nakangiti silang pinagmamasdan. Matapos non ay nilingon ko si Lance, nakangiti siya habang nakatingin sa akin kaya naman agad na naglaho ang ngiti sa aking labi.

"Sure ka bang hindi ka kakain? Masarap ang foods nila." Sabi niya't nginitian akong muli.

Tipid akong ngumiti at tumango.

"True! Masarap, Stacey.."

Agad akong napalingon. Napaawang ang aking labi nang mapagtantong sina Reign ito. Bilis naman nila? May bitbit silang tagiisang plato.

"Teka, asan ba si Axel?" Tanong ni Jihyun. Ngumuso ako upang ituro si Axel, agad silang lumingon sa gawi nito.

"Hay, med student pa lang pero madami ng trabaho.." Jihyun commented. Hindi ako sumagot sa halip ay napabuntong hininga.

THE DOCTOR'S REVENGE Où les histoires vivent. Découvrez maintenant