19

16 5 0
                                    


"Doc Stacey!" Isang 2nd year Doctor ang sumalubong sa akin, iyong nakasama ko sa E.R Malapad niya akong nginitian. "Good morning po Doc."

Tinangohan ko siya. "Good morning, Janna. Kamusta ang pasyente natin?" May ngiting sabi ko, habang patuloy sa paglalakad patungo sa ICU.

"Ayos naman po. Nabigyan ko na siya ng mga gamot na naayon sa inutos niyo." Magalang niyang sinabi, na siyang tinangohan ko. Nang makarating kami sa ICU ay agad kong nilapitan ang pasyenteng inoperahan ko, upang i-check ang kalagayan niya.

Isang malapad na ngiti ang sumilay sa aking labi nang makitang maayos naman ang lahat, nilingon ko si Janna. "Kapag may problema tawagan mo lang ako, pupunta muna ako ng aking opisina." Sabi ko, na siyang ikinatango niya. Tipid ko siyang nginitian, pagkatapos ay nilagpasan ko na siya.

Napahinto ako sa paglalakad nang makakita ako ng isang batang lalake, nakaupo siya sa waiting area habang abala sa hawak niyang Ipad. Lumapit ako sa kaniyang gawi at nakita kong may pinapanood siya. Napaamang ako nang sandaling mapagtanto kong si Khalil iyon, ang kinikilalang anak ni Axel.

Inayos ko ang aking buhok at mas lumapit sa kaniya. Tumabi ako, dahilan kung bakit siya napatigil sa panonood at nagangat siya ng tingin sa akin. Hindi ko ito ginagawa dahil kay Axel, kun'di dahil gusto kong tulongan ang batang ito. Gusto kong mawala ang antisocial personality disorder na mayro'n siya, dahil alam ko kung anong pakiramdam ng sakit na iyon.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin, nginitian ko siya. "Hi, ako si Doc Stacey. Napansin ko kasing mag-isa ka lang, gusto mo ba ng kausap?" Sabi ko, nangunot ang kaniyang noo at hindi niya ako sinagot.

Antisocial personality disorder is a particularly challenging type of personality disorder characterised by impulsive, irresponsible and often criminal behaviour. Someone with antisocial personality disorder will typically be manipulative, deceitful and reckless, and will not care for other people's feelings.

Hindi ako nawalan ng pag-asa sa halip ay muli siyang nginitian. "Alam mo ba, ganyan rin ako noon. Alam kong mahirap para sa'yo ang makahalobilo sa ibang tao, pero masarap sa pakiramdam ang magkaroon ng kaibigan." Hindi pa rin siya sumagot sa halip ay seryoso lang siyang nakatingin sa akin, muli akong napangiti at hinaplos ang kaniyang buhok. Which surprised me. Hindi niya ako pinigilan?

"S-sino po ba ka'yo? B-bakit niyo po ba ako nikakausap?"

Isang malapad na ngiti ang sumilay sa aking labi nang sabihin niya iyon. "Dati akong kaibigan ng Daddy Axel mo. Pwede mo rin akong maging kaibigan, kung gusto mo." Sabi ko, na siyang dahilan kung bakit nanliit ang kaniyang mga mata.

"Khalil!" Pareho kaming napalingon nang sandaling marinig namin ang boses na iyon, napagtanto kong si Axel ito at mabilis siyang lumapit sa gawi namin. "Anong ginagawa mo?" Seryoso at may diing niyang tanong sa akin. Nangunot ang aking noo dahil sa tono niyang iyon, animo'y may ginawa akong mali sa bata.

"Naguusap lang naman kami. Kung makaasta ka akala mo naman sinasaktan ko ang anak mo." Mahinahon ngunit seryosong sagot ko sa kaniya. Tinignan niya lang ako ng seryoso pagkatapos ay binalingan ng tingin si Khalil.

"Let's go, son." Aniya, binuhat niya si Khalil at kinuha ang Ipad na hawak nito.

Tumayo ako at humugot ng hininga. "Alam ko, wala ako sa posisyon para sabihin ito. But I want to help Khalil and also am willing to help him. Sa ganoong paraan, hindi na siya mahihirapang makipag-ugnayan sa ibang tao." Seryoso kong sabi, he licked his lips for a moment. Ngumisi siya nang sakristo.

"Ano bang akala mo sa'kin, hindi ko kayang gamotin ang sarili kong anak? Iniinsulto mo ba ako, Doctor Stevenson?" He answered. Nangunot ang aking noo nang dahil do'n. Ano bang nangyayari sa kaniya? Ano bang ginawa kong mali para magbago ang trato niya sa akin.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now