28

13 3 0
                                    


[Seryoso ka jan?! Alam mo ang deniable ninyong dalawa ni Axel, e. Halata namang gusto niyo pa rin ang isa't-isa, pakipot lang ka'yo noh!] Iyon agad ang bungad sa akin ni Reign nang sandaling sabihin ko sa kaniya ang alok sa akin ng lalake, subra siyang nagulat.

"Reign! Alam mo namang hindi pwede 'diba.." Sagot ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.

[Fine! Oh, ano nga bang plano mo? Naks, ikakasal na ang bestfriend ko.. Wait, ano bang dapat kong itawag sa inyo? Friends with benefits?!] Aniya, humalakhak siya.

Napailing-iling ako dahil sa kaniyang sinabi. "Ang dumi talaga ng isip mo! Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko? Kailangan ako ni Khalil. Kaso, hindi ko alam ang desisyon na gagawin ko."

[Para sa bata naman ang gagawin ninyo, e. Pwede kang kumawala kahit kailan mo gusto, hindi ba't ito rin ang gusto mo? Ang magalit sina Doc Timothy at Chairman..]

Humugot ako ng malalim na hininga. "Pero hindi biro ang pagpapakasal, Reign. Alam kong hindi ako bihasa sa pagmamahal pero alam ko ang kahulogan niyon.. Kapag nagpakasal ka dapat sigurado kana, na gugustohin mong makasama ang taong pinakamamahal mo.." Bakas sa aking boses ang lungkot nang sabihin ko iyon. Dahil totoo naman, hindi ko maibibigay ng buong-buo ang aking puso.

[Bakit, hindi mo na ba talaga mahal si Axel? Alam kong mahal mo pa rin siya, bes.. Ang kaso, hindi pwede dahil siya ang anak ng taong pumatay sa daddy mo?]

"Hindi lang naman 'yon. Ayokong si Axel ang maging dahilan para masira ang mga plano ko.. Alam mong ilang taon akong naghintay para makaganti sa ama niya, at alam mo ring walang sino man ang pumigil sa akin.." Aking lintanya, rinig ko ang kaniyang mabigat na paghinga.

[Nagaalala ako sa 'yo! Mamaya ay mapahamak ka dahil sa mga gagawin mo, pero naiintindihan kita. Alam ko ang sakit na nararamdaman mo, lalo na ang galit mo sa Director.. Hindi kita pipigilan, bes. Ano man ang maging desisyon mo, nandito lang ako lagi naka suporta sa 'yo, basta't mangako sa aking magiingat ka.. na iingatan mo ang sarili mo..]

Isang malapad na ngiti ang siyang sumilay sa aking mga labi nang marinig iyon sa kaniya. "Pangako.. Hindi ko na hahayaang masaktan ulit ako, Reign." May ngiting turan ko.

[So pa'no? Balitaan mo na lang ako kapag oo na ang sagot mo..] Humalakhak siya, na siyang ikinatawa ko ng mahina. [Joke, basta sabihan mo ako kung anong desisyon mo.. Kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang ako, Yoona..] Muli na naman akong napangiti, tumango ako at ako na mismo ang nag end ng call.

Napakapalad ko, dahil mayroon akong kaibigan na katulad ni Louxiereign. Hindi man ako perkpektong kaibigan sa kaniya, alam kong alam niya na mahal ko siya. Ngunit may mga desisyong alam kong labas na siya, kahit gaano pa namin kamahal ang isa't-isa.

Agad na naglaho ang ngiti sa aking mga labi nang sandaling sumagi sa aking isipan ang nangyari sa amin ni Axel, alam kong hindi niya iyon sinasadya dahil tinulak siya ng bata. Dalawang araw ko na siyang hindi nakikita, at inaamin kong sinasadya ko iyon dahil nakaramdam ako ng pagkailang.

Muli akong napabuntong hininga. Hinanap ko sa contact list ang pangalan ni Axel, at nang sandaling makita ko iyon ay agad ko siyang tinawagan.

Bumilis ang pintig ng aking puso nang sandaling marinig ko ang kaniyang boses mula sa kabilang linya, napalunok pa ako.

"M-magusap tayo mamayang gabi.. Sasabihin ko sa 'yo ang sagot ko." Saad ko, sandaling namungkahi ang katahimikan sa aming dalawa.

[Sure, susundoin na lang kita mamayang 6pm. Ah, kung ayos lang sa 'yo dito na lang tayo sa bahay magusap. Walang magbabantay kay Khalil dahil day off ng yaya niya..] Kaniyang lintanya. Saglit kung dinalaan ang aking ibabang labi, pagkatapos ay tumango.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now